Pinilit ni Lacim na ngumiti sa kanyang mga kasamahan nang bumalik siya sa lamesa. Dala pa rin ang kanyang pusong labis ang bigat sa mga salitang kanyang narinig mula sa asawa. Subalit ang traydor niyang mga luha ay hindi niya na mapigilan pang mahulog sa mukha. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Tila ba ang pag-asa niyang pinanghahawakan ay tuluyan nang nawasak nito. Iba pa rin pala talaga ang pakiramdam kapag sinasabi na nito iyon sa ibang tao, naisip niya. Iba ang sakit na hatid ng mga salita ng kanyang asawa, bagay na hindi niya mapaniwalaang sasabihin nito. Ibang-iba ang babae ngayon sa dating minahal na babae. Ganunpaman ay wala sa kanyang vocabulary na sukuan ito at hayaang mawala muli sa piling. Hindi pa rin siya susuko, hindi pa rin siya

