Malawak na ang ngiti ni Aleigh pagpasok pa lang ng kanyang sasakyan sa garahe ng kanilang tahanan. Bukod sa alam niyang matagal niyang makakausap si Freya sa wakas ngayon ay kumpleto na silang buong pamilya. Humahanap lang siya ng tiyempo upang sabihin sa kanila na mayroon na siyang anak. Ayaw niyang biglain sa kanila ang lahat at ayaw din naman niyang ilihim pa ang lahat na kagaya ng ginawa ng ina niya sa kanya. “Nandito na nga sila,” bulong niyang sinipat ang sasakyan ng dalawa niyang kapatid. Mabagal siyang humakbang papasok ng kanilang bukas na pintuan. Malakas na ang tawanan nila na nagmumula sa kusina ng kanilang tahanan. Tila may pinag-uusapan. “I’m home!” malakas na bulalas ni Aleigh na kaagad niyang pinagsisihang ginawa niya. Humarap sila sa kanyang kinaroroonan

