Tahimik na ipinagpatuloy ni Aleigh ang pagsasalin ng maligamgam na tubig sa baso ni Senyora Juliana, medyo masama ang pakiramdam ng Donya na mayroong sipon noon. Hindi pinansin ng dalaga ang kanina pa naghu-huramentadong cellphone sa kanyang bulsa ng suot na uniform. Tumingin siya sa matandang Donya nang saglit itong sumulyap sa kanyang cellphone na patuloy na nagba-vibrate. Napayuko na lang siya sa hiya dito. “Hindi mo ba sasagutin iyan, Aleigh?” tanong nitong kuryuso na ang mga mata. Mabagal na umiling ang dalaga sa kanya saka maliit na ngumiti sa matanda. Alam niyang ang kanyang Inay lang iyon na paulit-ulit na nagte-text at nangungulit sa kanya. Ilang buwan na itong ganito magmula nang dumalaw sa kanya ang pinsang buong si Freya. “Hindi naman po importante, Senyora

