Sa paglipas ng mga araw ay patuloy siyang kinukulit ng kanyang ina. Sa pamamagitan ng mga tawag at mga text. Hindi niya iyon sinagot at pinilit ang kanyang sarili na huwag siyang reply'an kahit na isa lang. Kulang na lang ay e-block niya ang numero na nito. Hanggang sa isang gabi ng linggong iyon ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Freya. “Bakit?” kaagad na tanong niya sa pinsan, “Bakit ka napatawag ngayon?” Kakatapos lang nilang kumain at naghahanda na silang matulog. “Aleigh, may sasabihin ako sa’yo.” Bumuntong-hininga ang dalaga, “Alam kong ku-kumbinsihin mo na rin ako na makipagkita kay Inay, kagaya ng ginagawa kanina sa akin ni Tita Felia.” pangunguna niya. Nalaman niya buhat sa text ng ina nang nagdaang araw ay nasa bahay na naman nila ito. Hindi

