Nang umandar ang sasakyan ay binalot sila ng nakakabinging katahimikan. Kapansin-pansin ang pagsulyap sa kanya ng ina. Bagay na hindi niya pinagtuunan na ng pansin. “Kumusta si Axel at Gaelan?” maya-maya pa ay basag ni Aleigh sa katahimikan nila, ang tinutukoy niya ay ang kambal na mga kapatid na parehong naiwan sa probinsya nila. “Sana ay hindi mo sila pinapabayaang masaktan ng iyong asawa habang wala ka doon.” Lumingon sa kanya ang ina. May namumuo ng luha sa pagod nitong mga mata. “Sorry Aleigh,” wika nitong nangilid na ang mga luha, “Pasensiya na anak.” “Alam mo na ayaw kitang kausap!” sa halip ay tugon niya sa inang natahimik, “Pero wala akong choice dahil gusto kong malaman ang lagay nilang dalawa doon.” “Ayos lang silang dalawa, miss na miss ka na

