Chapter 24 "H—HINDI ko sinasadya. Hindi ko sinasadya, Marga!" Nanginginig ang bawat buto sa loob ng aking kalamnan. Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tahip ng aking dibdib. Hindi ko sinasadya pero kasalanan ko kung bakit siya nahulog sa hagdan. Kasalanan ko kung bakit siya nag-aagaw buhay ngayon. "Besh, kumalma ka lang. Huwag mong i-stress-in ang sarili mo. Tandaan mong buntis ka. M—magiging maayos din ang lahat, okay? T—tahan na..." Niyakap ako ni Marga habang pareho kaming umiiyak. Sinugod sa pinakamalapit na ospital si Tita Leticia. Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko kanina at hindi ko na alam kung paano sila nakaalis sa mansyon patungo sa ospital. I saw how Sid carefully carried his Mom—full of blood. Malakas ang pagkakabagok niya sa puno ng hagdan at natatakot ako sa maaar

