Chapter 25 "CONGRATULATIONS, anak!" "Congratulations din sa inyo, Ma at Pa. Kayo talaga ang dahilan kaya nakamit ko ang diplomang ito. Kung hindi dahil sa sakripisyo ninyo at suporta hindi sana ako nakapagtapos." "Naku, anak, pinaghirapan mo rin naman 'yan lahat dahil sa scholarship mo. At hindi lang basta diploma ang nakuha mo, with Latin honor pa," proud na sabi ni Papa. I felt satisfied when I saw the happiness on my parents' faces. Ito ang pangarap nila para sa amin ng kapatid kong si Kyesha, ang makapagtapos ng pag-aaral. Kahit na malaki ang isinakripisyo nila para sa 'kin ay lagi pa rin nilang sinasabi na hindi ko sila kailangang suklian dahil hindi ko obligasyon. Pero hindi ko naman kayang iwan sila sa ere pagkatapos ng lahat. I feel obligated to return the favor. Mahal ko sila.

