Chapter 26

2789 Words

Chapter 26 "SAGAN!" "Sagan, careful!" Napahawak ako sa aking dibdib. Aatatakehin talaga ako sa puso dahil sa kakulitan ng batang ito. Inisa-isa kong dinampot ang nagkalat na mga laruan sa sahig at inilagay sa malaking drawer. Abot-kamay niya ang lagayan ng laruan kaya't kapag gising siya'y wala siyang ibang ginawa kundi ang magkalat. Minsan nga'y sumemplang si Marga pagkapasok niya ng pinto dahil hindi niya agad napansin na nando'n pala ang maliit na bola sa bungad. Naapakan niya at ayon, nakipaghalikan siya sa sahig. Kinabahan pa ako dahil akala ko nabalian na siya ng buto samantalang 'yung anak ko naman tawa nang tawa. "Mommy, catch!" Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya't nasapol ng bola ang noo ko. Muntik na akong matumba sa sobrang pagkagulat. Pumikit ako't hinilot ang aking noo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD