Chapter 22 "BAKIT kasi ngayon mo lang sinabi? Sana dati pa hinanap na natin ang Rafael na sinasabi mo," nakangusong reklamo ni Marga. I told him about Rafael and what really happened that time at the mall. Pahapyaw ko lang kasi dating naikuwento sa kanya ang nangyari pero hindi ko nasabing kinailangan kong magpanggap na girlfriend ng isang estranghero. "Eh, hindi ko naman inaasahan na bestfriend pala ng mommy niya si Tita Leticia. At saka, buong akala ko pagkatapos ng nangyaring iyon ay hindi na magtatagpo ang landas namin ni Rafael. Hindi ko naman akalain na kailangan ko pala siyang hanapin para makausap ko siya." I sighed in frustration. Gustong-gusto kong sabihin kay Tita Leticia ang totoong kaugnayan namin ni Rafael ngunit nag-aalinlangan ako. Kailangan ko munang makausap si Rafael

