Chapter 21 "Happy anniversary, Love..." Napatakip ako ng bibig nang bumungad sa 'kin ang nakangiting mukha ng kasintahan ko pagkapasok ko pa lang ng apartment. Halata sa ayos niya ang pagod at puyat ngunit hindi maitago ang kakaibang saya na ipinapakita ng kanyang mga mata. His eyes were darting at me like he's been waiting for me all his life... they were intensely displaying the longing he endures. "D—dumating ka..." nauutal kong tugon. Ang kaninang magulong ayos ng apartment ko'y naging malinis. Nawala iyong nakapatong na labahin ko sa sofa. 'Yung hugasin kong iniwan ko lang sa kamamadali ko dahil mali-late na ako sa Thesis Defense ay nahugasan na rin at nasa lalagyan na. Pati ang sahig ay kumintab. Higit sa lahat, maayos na nakapatong sa lamesa 'yung chocolate cake na napapaligiran

