Chapter 29 "ANO? Lumuhod siya sa harapan mo?" Tumango ako kay Marga. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat ng tagpo mula sa unang pagkikita namin ni Dela Vega. Pareho silang gulat na gulat sa mga sinabi ko. "N—nakita ba niya si Sagan?" Umiling ako. Nakahinga naman sila nang maluwag. Pakiramdam ko paliit nang paliit ang mundo para sa amin ng anak ko. Hindi ko lang alam ang gagawin ko kapag ang anak ko mismo ang makakita ng kanyang ama. "Naku, besh, tiyak na hindi ka na niya tatantanan. Alam na alam ko ang hilatsa ng bituka ng Dela Vega na 'yon, kapag may gusto siya, gagawin niya ang lahat makuha lang ito, by all means. Nakuha ka nga niya dati, 'di ba?" Nasapo ko na lamang ang aking noo. Marga's right. My mind suddenly took a short trip down the memory lane. Kahit anim na taon na pala ang

