Chapter 30 "BUTI naman nandito ka na, iha. Kanina pa nila pinagkakaguluhan 'yung table mo." Gulat na gulat ako sa aking naabutan sa ibabaw ng office desk ko pagkadating ko ng opisina. Halos sakupin na ng mga mamahaling tsokolate ang ibabaw ng lamesa. May nakapatong ding isang bouquet ng preskang mga rosas. "Kanino ho galing ang mga ito?" wala sa sariling tanong ko kahit na may ideya na ako kung sino ang naglagay. "Hindi ko rin alam. Pagkadating ko nandito na 'yan. May card naman yata, tingnan mo na lang. At saka, sigurado ka bang wala kang manliligaw? Baka naman isa sa mga manliligaw mo 'yan," tukso ni Tita Jocelyn. Awkward akong ngumiti. May card ngang nakasabit sa bulaklak. Nang basahin ko'y hindi na ako nagulat. My life is like a garden. There were so many beautiful flowers but I'

