Amber’s POV Mag-isa na lamang ako sa condo unit ko. Nang umalis si Kian at agad na pumasok ako sa kwarto ko. I charged my phone dahil na dead batt ito. I was planning to text Ken to talk about last night. I was even expecting his text messages. Hinayaan ko na munang mag-charge ang phone ko. Pumasok ako sa loob ng walk-in closet ko at isa-isang hinubad ang lahat ng suot ko. Inabot ko ang isa sa mga naka-hanger na bathrobe sa loob ng cabinet ko. I took one and wore it. Lumabas ako ng walk-in closet at tinungo ang banyo. Pumasok ako sa loob nito. I poured water on my empty bathtub. I wanted to relax. I wanted my mind to be in peace kahit saglit lang. Saka ko na iisipin ang problemang ginawa ko kapag sabihin ni Ken na may nangyari talaga sa aming dalawa. Nang mapuno ang bathtub ay inabot

