Amber’s POV “If there’s anybody here today who objects to this wedding, speak now or forever hold your peace,” pagsisimula ng Judge. “No one. Subukan niyo lang,” napalingon agad ako kay Kian. Hindi siya nagbibiro. Mukhang seryoso ang pagbabanta nito. Nakita ko rin ang pagpipigil ng pagngiti ng judge ng binalik ko ang tingin sa kanya. Narinig ko maging ang saglit na pag-ingay ng mg saksi. Ang bilis ng pangyayari. Sinong mag-aakala na ang pagdalo namin ng birthday party ay mauuwi sa kasalan? Isa na akong ganap na Saavedra, bitbit ko na ang apelyido ni Kian. Nakakatawang isipin na noong nakaraang araw lang ay ang kakambal niya ang bukambibig kong maging asawa, ideal man, pero sa kanya ako ikinasal. Hindi naman ako nagsisisi. Ni katiting ay hindi ako nakaramdam ng pagsisisi dahil tot

