Amber’ “Adrainne!” Sabay-sabay na sigaw ng mga ninong ko. “Daddy!” Malakas kong sigaw. Tumakbo ako at pumagitna sa dalawa. “Daddy, no!” Naitukod ko ang mga palad sa kanyang dibdib ng tinangka nitong sugurin muli si Kian. I almost lost my balance mabuti na lamang ay nahawakan ako ni daddy sa braso. “Amber,” anas ni mommy. Bakas ang pag-alala sa kanyang boses. “Get out of the way, Amber!” Taboy ni Daddy sa’kin. “No!” Mabilis kong niyakap ang mga braso kay Daddy. Sobrang higpit. Pinipigilan ang paglapit niya kay Kian. Alam kong kulang ang lakas ko para pigilan siya ngunit umaasa akong hihinahon siya. “Daddy, calm down, please! Please, daddy! I’m begging you, please calm down,” umiiyak na ako sa dibdib ni Daddy. He was shaking in anger. Dama ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. “You d

