Amber’s POV Sumunod siya sa ‘kin sa loob ng banyo. “Baby, are you okay?” Dinig kong tawag niya sa’kin. Bakas ang pag-aalala sa kanyang boses ngunit ‘di ako makasagot dahil panay pa rin ang pagduduwal ko. Naramdaman ko ang palad niya sa likod ko. Marahan niyang hinaplus ito na para bang mapapagaan nito ang nararamdaman ko and it did. Naubos kong isuka lahat ng kinain ko kaninang umaga hanggang sa tubig na iyong sinusuka ko. Ramdam na ng dila ko ang pait ngunit panay pa rin ang pagsusuka ko tila walang balak huminto ang tiyan ko. Naluluha na ko. “What did you eat this morning?” Tanong niya habang tinitipon ang lahat ng buhok ko sa likod upang ‘di ko iyon masukahan. “Just a clubhouse sandwich from Moonbucks, yung favorite ko,” saad ko. “Do you think it’s because of the sandwich?”

