Matapos ng usapan namin ni dad lumabas na kaagad ako dahil may gagawin pa daw si dad. Kaya dumeretso na kaagad ako sa kwarto ko. Humiga na ako habang nakatingala sa kisame. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ayaw kong iwanan si theo na ganito. Ganito na gusto ko na siya pero hindi ko din naman gustong biguin si daddy dahil gusto ko din naman makapagtapos ng pag-aaral at may ipagmalaki sa iba. Lalo na sakanya. Pumikit ako dahil pakiramdam ko sobrang pagod ako kahit hindi naman masyado. Siguro itutulog ko muna to. Nagside ako ng pwesto para madali akong makatulog. Sigurado naman na pupunta dito si theo, knowing him. William Theo's POV Kanina pa ako naghihintay dito pero hanggang ngayon hindi pa din bumababa si lovely. Dahil siguro sa sobrang pagkainip napagpasyahan ko na lang na pumunr

