Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto at bumaba na ako nadatnan ko si mommy na nasa sala. Lumapit ako sakanya saka umupo sa tabi niya. "Gutom ka na ba anak?" Tanong nito. "Hindi pa naman po mommy. Saka tinatamad po ako." Sagot ko. Nabigla ako ng hinawakan niya yung kamay ko. "Anak?" Tawag nito habang hawak parin ang kamay ko. "Po?" "May namamagitan na ba sainyo ni theo?" Tanong nito. Umiwas ako ng tingin. "Hmm... Wala pa po." Sagot ko. Kung pwede lang, pero hindi pa. "Ganon ba? Iba kasi yung way na paghawak niya sayo kanina." Sabi nito. Napansin niya yun? Haist nakakahiya, ang kulit kasi ee. Ayan tuloy. "Hindi pa po kasi pwede mom. Kailangan ko po kasing makapagtapos ng pag-aaral bago ko pagtuonan ng pansin si theo." Sagot ko. Mukha naman itong nagulat. "Kailan mo pa tinawag

