Tinatanaw ko siya na naglakad palayo mula sa loob ng kwartong ito. Ano ang ibig niyang sabihin? Anong pangako ang pinagsasabi niya? Alex, bakit ba hindi mo ako naintindihan? Bakit? Bulong ko sa aking sarili at pabagsak na umupo sa gilid ng kama. Inayos ko ang aking damit at kaagad kinuha ang aking bag na nakapatong sa kama na nasa tabi ko lang. Kaagad kong pinunasan ang aking luha na dumaloy sa aking dalawang mata at saka inayos ang aking sarili. Kaagad akong lumabas mula sa loob ng kwarto. Ma, saan ka pupunta? Diretsong tanong niya kasabay nito napatayo siya mula sa pagkakaupo habang umiinom ng alak at may hawak pa itong sigarilyo sa isang kamay nito. Nakita ko sa mukha niya na sobrang problemado talaga siya. Minsan ko lang kasi siya nakikita na nananagarilyo. Ma, sambit niya mul

