Habang nakaupo kami sa harapan ng malaking lamesa kasama si Kuya Tamir, Kuya Angelo, Agnes, at Cassandra habang nag-uusap at masaya, at umiinom ng alak, Kaagad kong iniiling ang aking ulo. Medyo napadami na yata ang pag-inom ko ng alak kaya ramdam ko na nalalasing na ako. Ayos ka lang ba, labanos? Tanong ni Cassandra. "Oo, Cass," sagot ko. "Mula dito, dinig ko ang pagbukas ng pintuan at pagsarado nito." "May bisita pa ba tayo na darating, Kuya Tamir?" Tanong ko. "Oo, Isa. niyaya ko siya dito na pumunta." niyaya? Sino? Tanong ko habang nahuhulog ang aking dalawang mata sa sobrang kalasingan. "Bro, pasensya ka na kung nahuli ako sa pagdating," kaagad niyang banggit. Lumapad ang aking dalawang tainga nang marinig ko ang boses niya. "Alex," kaagad kong banggit sa kanya. Kasabay nito ang

