Sunod sunod na malalim na hininga ang pinakawalan ni Armano habang pinapahupa ang pag-iinit ng katawan. Mabilis na nakaalis ang misteryosong babae sa harap niya at hindi niya na sinundan pa. The woman had another lover. Kung bakit ito mag-isa sa sulok na iyon ng maliit na club ay wala siyang ideya. Baka nagpapalipas lang ng oras o hinihintay na doon ito puntahan ng kalaguyo nito pero siya ang dumating sa halip. And it was unexpected that he found her there. Kasalukuyan nilang iniimbistigahan ang pagkawala ng anim na babaeng nanggaling sa Colombia na hinihinala nilang kagagawan ng mga Valentino. Ang alam nila'y naharang sa Bureau of Immigration sa Pilipinas ang mga babaeng dapat ay papunta sa Italya para magtrabaho sa casa ng mga ito kaya't ang babaeng dumating sa kanila ang napagdiskitaha

