Nakatitig si Annchen sa recipe book pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Kumakalam pa ang sikmura niya dahil hindi pa siya kumakain simula kaninang kinidnap siya. Nang may matanaw siyang tinapay sa ibabaw ng counter ay kumuha siya ng isang slice. May malamig na tubig din sa ref at kung ano anong gatas at fruit juice. Nagpasya siyang gatas na lang ang inumin para tumagal ang enerhiya niya. Nakahanap siya ng recipe ng pasta sa libro pero hindi iyon katulad ng menu nila sa Italya. May mga kung ano anong ingredients siyang nakita sa ibabaw ng counter pero iba naman sa recipe book na nabili niya. Filipino cuisine kasi ang gusto ng Mama niya kaya iyon ang dinampot niya sa rack kanina sa bookshop. Malay ba niyang siya rin pala ang gagamit ng recipe na 'yun? Naghanda siya ng bawang

