Nakaupo lang si Annchen sa kama habang nakatingin sa labas ng isla na pinagdalhan sa kanya ng lalaking ayaw magpakilala. Kung hindi siya nagkakamali ay ito si Armano Rossini na palaging pinag-uusapan ng Papa niya at ni Orlando. At may parte ng pag-uusap na iyon ang patungkol sa isang babaeng namatay sa ambush na nagdadalantao pala. Pumikit siya saka pinilit alalahanin ang pag-uusap. Patapos na siya sa High School noon kung hindi siya nagkakamali. Pero bata pa para maintindihan ang mga bagay bagay. Buo pa ang paghanga niya sa Papa niya na akala niya'y isa lang magaling na negosyante kaya sila ganoon kayaman. "Non devi includere Joviena nella tua vendetta, papà. Te l'ho detto, è incinta!" (You don't have to include Joviena in your revenge, Papa. I told you, she is pregnant!) "Come faccio a

