"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Rafaello sa kanya habang nakatingin sila sa wala pang malay na si Lady Annchen. Pinahanda kasi niya ang bangka para matawid nila ang tubig patungo sa isang maliit na isla. Nang malaman niya kasi na may tree house doon na pag-aari ng isang dating pulitiko sa El Nido ay kaagad niyang inupahan iyon ng isangdaang libong piso sa loob ng isang buwan. Mabuti at pumayag naman ito bago ito magbakasyon sa ibang bansa kasama ng pamilya. "Mahihirapan akong ikulong yan dito kapag nagkamalay na, Bruno. Kailangang walang makaalam na tayo ang may kagagawan sa pagkawala ng babaeng ito dito sa Sto. Cristo. Kapag nakatakas 'yan ay bulilyaso tayong lahat." "Kunsabagay..." sang-ayon nito. "Gaano naman kayo katagal mamamalagi doon?" "One month. Pero kailangang pumunt

