What is wrong, Annchen?" Hindi nakaligtas sa Papa niya ang pamumula ng mata. Isang kibitbalikat ang isinagot niya. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na sagutin lang ng ganoon ang ama. Siguro ay dahil alam niyang kahit sumagot siya nang pabalang, o sumuway siya sa batas ng Papa niya dito sa bahay, hindi siya nito sasakyan. Kung hindi ay tuluyan itong mawawalan ng tagapagtaguyod sa lahi nila. O baka rin dahil nariyan si Ayah at Miguel na nangakong ilalayo siya sa lugar na ito. Kating-kati na ang paa niya na lumabas ng bahay at kamtin ang kalayaan niya. Malakas ang loob niya ngayong nalaman niyang isang myembro ng Navy SEALs ang kapatid niya. "Aalis ako ngayong umaga pero may pupuntahan tayo mamayang alas kwatro ng hapon. Ermis will still be your bodyguard an

