Mula sa hindi kalayuan ay nakatayo si Miguel na nakatitig sa kanya. Noon pa man ay may paghanga na siyang nararamdaman dahil hindi maitatanggi na makisig ito at malakas ang dating sa kababaihan. Iba rin ang gaan ng loob na nararamdaman niya kapag nagtatama ang kanilang mga mata. Kapatid pala niya ito at kalahati ng dugo na nananalaytay sa katawan nila ay iisa. Na narito ito para protektahan siya katulad ng ginagawa ni Ayah. Kinagat niya ang labi habang pinipigilan ang emosyon. Narito ang kapatid niya pero ni hindi niya mayakap. Ni hindi man lang niya malapitan. Tila siya isang babasaging kristal na kailangan lang tanawin mula sa malayo. Hindi niya napansin noon ang klase ng mundo na ibinigay ng Papa niya para sa kanya. Ibinaling niya ang tingin sa mga magagandang bulaklak sa hardin. Mu

