Maagang pumasok si Ayah sa silid niya kinabukasan. Wala pa siyang balak bumangon dahil masakit ang ulo niya sa brandy na inininom sa nagdaang gabi. "Hindi ka pa ba mag-aalmusal?" "No. I didn't see you last night," tanong niya sa ina habang nakadapa pa rin siya sa kama. "Kinailangan ko lang ang mag-isip. Pero pinabantayan kita kay Miguel kahit dito sa loob ng mansyon. Sinabi niyang lumabas kayo sandali." Bumangon siya mula sa kama. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi siya excited ngayon na lumabas at mamitas ng bulaklak. "Alam mo ba ang mga ilegal negosyo ni Papa?" Nililinis nito ang silid niya katulad ng dati. Nilalagay ang damit niyang pinagbihisan sa laundry basket, aayusin ang hair dresser niya, pupunasan na tila may alikabok. Pero ngayon ay alam niyang umiiwas ito sa mga tano

