“Bakit hindi mo masagot?”
Hindi agad gumalaw si Patrick. Nakaupo pa rin siya sa couch habang nakatayo si Trina sa harap niya, hawak pa rin ang phone na naka-live kanina pero ngayon naka-off na.
Pero hindi nawala ang bigat.
“Sinagot ko,” kalmado niyang sabi.
“Hindi,” mabilis na sagot ni Trina, halatang pinipigilan ang emosyon. “Hindi mo sinagot. Umiwas ka.”
Tumaas ang kilay ni Patrick. “I said I don’t know.”
“Exactly,” sagot nito, napatawa ng konti pero walang saya. “Hindi mo alam. After everything?”
Everything.
Napatingin siya sa kanya, sinubukang intindihin kung anong hinahanap nito.
Para sa kanya, malinaw naman. Magkasama sila. Masaya sila. Walang komplikasyon.
Pero para kay Trina, parang kulang.
“Trina,” mahina niyang tawag, tumayo na siya. “Why are you making this a big deal?”
“Because it is,” sagot nito agad. “Hindi pwedeng ganito lang.”
Huminga siya ng malalim. “Ganito lang?”
“Yes,” diin ni Trina. “Content. Dates. Appearances. Lahat naka-post. Lahat naka-share. Pero wala kang masabi kung ano tayo.”
Napatahimik siya.
Hindi niya alam kung bakit parang nagiging issue yun.
Hindi ba sapat yung ginagawa nila?
“Masaya tayo,” sabi niya.
“Masaya ka ba?” tanong ni Trina, diretso.
Hindi siya nakasagot agad.
Kasi hindi niya sigurado kung yun ba talaga ang tamang sagot.
“See?” bulong ni Trina, napailing. “Hindi mo nga masabi.”
Napahawak siya sa batok, bahagyang naiinis. “You’re overthinking.”
“I’m not,” sagot nito, mas tumindi ang tono. “I’m asking for clarity.”
Clarity.
Isang bagay na hindi niya kailanman hinanap sa ganitong sitwasyon.
“Why do we need labels?” tanong niya.
“Because I want to know where I stand,” sagot ni Trina, hindi na umiwas. “Hindi ako fan. Hindi ako follower. Hindi ako content mo, Patrick.”
Natahimik siya.
Malinaw ang sinabi nito.
At sa unang pagkakataon, hindi niya kayang sagutin agad.
“Hindi kita ginagawang ganun,” sabi niya, medyo mahina na.
“Pero ganun yung pakiramdam,” sagot ni Trina.
Tumalikod ito, naglakad papunta sa bintana. Nakatingin sa labas.
Si Patrick nanatili kung nasaan siya.
Hindi siya sanay sa ganitong usapan.
Mas sanay siya sa simpleng connection. Walang tanong. Walang pressure.
Pero ngayon, parang hinihila siya sa bagay na ayaw niyang pasukin.
“Trina,” tawag niya ulit.
Hindi ito lumingon agad.
“Hindi ako yung tipo na naglalagay ng label.”
Dahan dahan itong humarap. “Alam ko.”
“Then why push?”
“Because I’m not like the others,” sagot nito, diretso. “And I don’t want to be treated like one.”
Tumama yun.
Pero hindi siya nagreact.
Hindi siya sanay na kinokompara ang mga naging connection niya.
Para sa kanya, pare pareho lang. Walang special. Walang exception.
At yun ang problema.
“Hindi kita tinatrato like them,” sagot niya.
“Really?” tanong ni Trina, tumawa ulit pero this time may sakit. “Same routine. Same energy. Same exit waiting to happen.”
Umigting ang panga niya.
Hindi niya gusto yung tono.
Hindi niya gusto na parang kilala na siya nito.
“Hindi pa tayo tapos,” sagot niya, medyo matigas na.
“Pero papunta na,” bulong ni Trina.
Natahimik ulit ang paligid.
Walang music. Walang camera. Walang audience.
At doon mas ramdam ang bigat.
“Anong gusto mo mangyari?” tanong niya.
Lumapit si Trina, tumigil sa harap niya. Malapit. Direkta.
“I want you to choose me.”
Simple.
Pero para kay Patrick, parang mabigat.
“Pinipili kita,” sagot niya.
“Hindi sapat,” sagot ni Trina.
Napakunot ang noo niya. “What do you mean hindi sapat?”
“Because you’re not choosing only me,” sagot nito, steady ang tingin. “You’re choosing the attention. The image. The hype.”
Hindi siya nakapagsalita agad.
Kasi tama.
At alam niya yun.
“Patrick,” mahina nitong dagdag. “Kaya mo bang piliin ako kahit walang camera?”
Napatingin siya sa paligid.
Sa tahimik na condo.
Sa space na walang nanonood.
At doon niya naramdaman yung kakaibang discomfort.
Parang may nawawala.
At hindi niya gusto yung pakiramdam.
Hindi siya sumagot.
At sapat na yun.
Napapikit si Trina sandali, saka ngumiti ng pilit. “I knew it.”
“Trina...”
“Don’t,” putol nito. “Huwag mo na i-explain.”
Tumalikod ito ulit, this time mas mabigat ang galaw.
“Gusto mo ba umalis na ako?” tanong niya.
Hindi agad ito sumagot.
Huminga muna bago nagsalita.
“Hindi ko alam.”
Napailing siya ng konti. “You’re the one pushing me away.”
Napatawa si Trina, pero halatang pagod na. “Ako pa talaga.”
“Yeah,” sagot niya. “You’re making this complicated.”
“Because it is complicated,” sagot nito, umiikot pabalik sa kanya. “Hindi ka lang sanay.”
Tama ulit.
At yun ang kinaiinisan niya.
“Hindi ko kailangan masanay,” sabi niya.
“Then don’t,” sagot ni Trina, mabilis. “But don’t expect me to stay like this.”
Tahimik ulit.
Magkaharap sila.
Walang gumagalaw.
Walang umaalis.
Pero parehong may distansya.
“Patrick,” mahina nitong tawag, mas kalmado na. “Pagod na ako magperform.”
Napatingin siya sa kanya.
“Gusto ko lang maging totoo,” dagdag nito.
Totoo.
Isang bagay na hindi niya pinapahalagahan sa ganitong setup.
Hindi dahil ayaw niya.
Kundi dahil hindi niya alam paano.
“Hindi ako magaling sa ganun,” amin niya.
Tumango si Trina. “I know.”
“At hindi ko alam kung kaya ko,” dagdag niya.
Mas lalong tumahimik si Trina.
Kasi yun na yung sagot.
Hindi niya kailangan sabihin pa ng direkta.
Nakita na niya.
Narinig na niya.
Naramdaman na niya.
“Okay,” sabi nito, halos pabulong.
“Okay?” ulit niya.
“Yeah,” sagot ni Trina, pilit na ngumiti. “Okay.”
Hindi siya kumbinsido.
Pero hindi na rin siya nagtanong.
Kinuha niya yung susi ng kotse sa mesa.
“Text mo na lang ako,” sabi niya.
Hindi siya pinigilan.
Hindi siya hinabol.
Habang naglalakad siya palabas, ramdam niya yung bigat sa likod niya.
Hindi siya lumingon.
Sanay siya sa ganito.
Walk away. No attachment.
Pero habang binubuksan niya ang pinto, may parte sa kanya na parang may kulang.
Hindi excitement.
Hindi thrill.
Kundi something na hindi niya mabigyan ng pangalan.
At hindi niya gustong alamin.
Paglabas niya, malamig ang hangin.
Tahimik ang paligid.
Walang camera.
Walang ingay.
Walang tao na sumisigaw ng pangalan niya.
At doon, mas ramdam niya yung sarili niya.
Hindi siya sanay.
Kinuha niya ang phone, tiningnan ang notifications.
Ang daming likes.
Ang daming comments.
Still trending.
Still wanted.
Still admired.
Ngumiti siya ng konti.
Bumalik ang control.
Pero hindi na kasing solid ng dati.
Habang naglalakad siya papunta sa kotse, biglang nag-vibrate ang phone niya.
Message from Trina.
Huminto siya.
Binuksan.
Isang line lang.
At doon siya tuluyang napatigil.
“Hanggang kailan mo pipiliin ang audience kaysa sa akin?”