Sabay kaming bumaba ni Adrian para mag breakfast masama pa rin ang loob ko at hindi pa rin ako payag na tumira dito ang ex niya. "Goodmorning Adrian," sabi ni Eliza tapos hinila si Adrian sa dining table. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko, pero ang bawat hakbang ni Eliza ay tila sinasadyang ubusin ang pasensya ko. Pagkaupo ni Adrian, agad siyang nilapitan ni Eliza dala ang isang baso ng mainit na kape. "I made this exactly how you like it Adrian. Two sugars, just a little cream," malambing niyang sabi. "Salamat Eliza," tipid na sagot ni Adrian. Halata ang pagkailang sa kanyang boses, pero hindi niya magawang tumingin sa akin. Nagsimula ang agahan na puno ng utos ni Eliza. "Manang pakikuha nga ng mas mainit na tubig. At ikaw," turo niya sa isa pang katulong pakibi

