CLARISSA POV. Bagsak ang balikat kong hinatid ako sa bahay namin ni Jhon. Naratnan ko ang isang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Natigilan ako at patakbo pumasok sa loob ng bahay. Naratnan ko roon ang dalawang kapatid ko at si Troy at Edward. "Hey, Clarissa. Anong ba ang nangyari?" baling ni Troy sa akin. Agad ako lumapit sa mga kapatid ko at niyakap ng mahigpit sina Atong at Lea. Sunod-sunod ang paglandas ng luha ko at garalgar na nagsalita. "Bukas na bukas, pupuntahan na natin si Mama," humihikbi sa pag iyak na baling ko sa dalawa kong kapatid. Nang magbitiw sa dalawa kong kapatid ay bumaling ako kay Troy at Edward. "Salamat sa paghatid ninyo sa mga kapatid ko. Paki sabi na lang sa kaibigan ninyo, palagi siyang mag iingat," baling ko sa dalawang kaibigan ni Zact. Nagkatinginan

