ZACT DANIEL POV. Agad nag lapag ang katulong ng alak at baso sa centertable, binalingan ko ang bote ng alak at nagsalin sa baso. "Zact! Kagigising mo lang alak agad ang laman ng t'yan mo," sambit sa likuran ko at nilingon ito. "Wala-kang pakialam," mariin kong turan kay Amanda at mabilis inagaw nito ang hawak kong baso. "May pakialam ako dahil kasal pa rin tayo! Asawa mo pa rin ako at kalimutan mo na ang babaeng 'yon!" singhal ni Amanda at mahina ako natawa. "Asawa...?" natatawang saad ko. "Nakakadiri pakinggan na asawa kita," mariin kong dugtong at malakas akong sinampal ni Amanda. "Wala kang karapatan insultuhin ako Zact," turan ni Amanda habang namumuo ng luha ang mga mata at umalis sa harap ko. Hindi ako umalis sa bahay ni Amanda, uminom ako ng uminom hanggang sa malasing

