CLARISSA POV. Nang mag mulat ako ng mga mata ay narinig ko ang malakas na iyak ng sanggol. Doon lumuha akong inaabot sa akin ng doktor ang anak namin ni Zact. Nakatitig ako sa anak ko habang sunod-sunod ang pag agos ng luha ko. Kamukhang kamukha siya ni Zact, ang mga kilay at mga mata nito ay galing kay sa Ama nito. Wala akong tigil sa pag iyak kaya't pilit ako pinakakalma ng mga doktor. Nang tumigil ako sa pag iyak ay nilipat na ako sa ibang kuwarto ng mga ito. Nakaramdam ako ng hapdi sa ibaba ng t'yan ko. Doon ko lamang napagtanto na mayroon akong tahi. Nahirapan ako sa pagkilos kaya't tinulungan ako ng nurse na nasa tabi ko. Inalalayan ako nito hanggang sa makapag pasuso na ako sa anak ko. Naluluha akong napangiti at napatingin sa pintong nagbukas. Unti-unti nawala ang ngiti ko ha

