CLARISSA POV. Naiwan akong basa ng tubig, umalis sa harap ko si Zact at Amanda. Mabilis ako nagtungo sa kuwarto ko at nagpalit ng damit. Suot ko ang sleeve-less strap at mahabang pants na tulalang naupo sa kama. Agad naman ako napalingon mula sa pinto nang marinig ang pag iyak ng anak mula sa labas ng kuwarto. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto at nakitang karga ito ni Zact at papalapit sa akin. Dahan-dahan inaabot sa akin ang anak ko at agad ako pumasok sa kuwarto, doon pinasuso ko ang anak ko at naramdaman ang presensya ni Zact sa likuran ko. Natigilan ako nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa leeg ko pababa sa balikat ko. Agad ako umiwas at lumayo rito. "Anong ginagawa mo?" kunot noo sikmat ko kay Zact. "Pag hindi ka tumigil aalis ako rito sa bahay na ito," mariin kong sa

