CLARISSA POV. "Aalis na lang po ako." Paalam ko ngunit mabilis akong pinigil at binalingan ng Daddy ni Zact. "No, Clarissa. Mag stay ka muna dito kahit a few days, please anak." Pakiusap ng Daddy ni Zact sa akin. "Good idea, dahil dito na rin ako titira," wika pa ni Zact at muling tinadyakan ang upuan bago umalis sa harap namin. Nakatitig lamang ako kay Zact habang papalayo ito. Ngayon ko lamang nakitang ganon si Zact, tila ba ibang tao ang nakausap ko kanina. Ganoon na katindi ang galit nito sa akin? Sambit ko sa isipan hanggang sa balingan ako ng Daddy ni Zact. "Pasensya ka na kay Zact, kasalanan ko kung bakit naging ganiyan si Zact. Sobra ang pleasure na naibigay ko sa kaniya mabigyan niya lamang ako ng Apo at naiintindihan ko iyon," mahabang baling sa akin ng Daddy ni Zact.

