CLARISSA POV. Binalingan ko ng tingin si Zact habang walang emosyon nakatitig sa akin. Nabigla ako nang mahina ito natawa at bumaling sa Ama nito. "Anong kagaguhan 'to Dad, bakit pinapunta mo sila rito?" baling nito sa Ama habang ngayon ay seryoso na. "A-anak mo ang babaeng 'yan," nauutal na tanong ng Ama ni Zact kay Mama. "Anong ibigsabihin nito Luciano," sikmat ni Mama habang bakas pa rin ang pagkabigla. Doon umiiyak akong napasabunot sa buhok ko at dahan-dahan naupo sa sofa. Nabigla ako nang balingan ako ng Ama ni Zact at mahigpit ako niyakap. "Anak... ." naluluhang sambit nito habang yakap ako at nag angat ako ng tingin rito. "Matagal ko kayong hinanap Clarissa, kayo ng Mama mo," wika nito at pilit ko nilalayo ito sa harap ko. "Hindi, hindi mo ako anak. Lumayo ka sa akin," w

