CLARISSA POV. "Paanong kung-ayoko?" mahinang saad ni Zact. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Zact at Jhon, doon ay nabigla ako nang padabog binitiwan ni Jhon ang kamay ko at malakas sinuntok si Zact. Napaatras si Zact at muli pa susundan ni Jhon ng suntok ngunit agad binawian ni Zact ng malakas na suntok si Jhon dahilan ng pagbagsak ni Jhon sa sahig. Akmang babalingan muli si Jhon malakas ko tinulak si Zact at napaatras si Zact. "Tama na!!" sigaw ko kay Zact habang nagbabaga sa galit ang mga mata nito. Binalingan ko naman si Jhon na ngayon nakatayo na habang pinunasan gamit ang palad ang dumudugong labi nito. "Hindi ako aalis rito hangga't hindi ka sumasama sa akin Clarissa," mahinang wika ni Jhon habang namumuo ang luha nito sa mga mata. "Umalis ka na!!" At tulak ko sa dibdib ni

