CLARISSA POV. Nang masuot ko ang mga damit ko ay nag simula na mag maneho si Zact. Napansin kong hindi maayos nakabutones ang fitted long-sleeve polo na suot nito. Gusto ko sana balingan at ayusin pero hindi ko ginawa, doon ay tumanaw na lamang sa bintana ng sasakyan. "Clarissa, can i ask something," saad nito na kinalingon ko. "Where is your Mom right now?" tanong ni Zact habang nasa daan ang tingin. "Nasa ospital, nagpapagaling," seryoso kong turan. "Saang ospital?" tanong nito habang nasa daan pa rin ang atensyon. Akmang sasagot ako rito ngunit tumunog ang phone ni Zact na nagpatigil sa akin. Nakita kong hinayaan lamang nito at hindi pinapansin. Doon muli ako binalingan ako. "Saang hospital, Clarissa," dugtong pa nito. "Bakit mo tinatanong?" sambit ko rito pero hindi ito su

