CLARISSA POV. Maya-maya lang ay mabilis rin ibinaba nito ang phone. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib nang matapos ibaba nito ang phone na hawak. Bumaling ng tingin sa akin at mahina nagsalita. "Bumaba ka na ng sasakyan, may pupuntahan pala ako," mahinang wika nito na kinatitig ko rito. "H-ha?" sambit ko ngunit hindi sumagot si Zact. Doon ay mabilis ako bumaba ng sasakyan at malakas isinara ang pinto. Naramdaman kong sinundan ako ni Zact at hinila ako paharap rito. "Binibiro lang kita," wika nito at natigilan ng makita ang namuong luha sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ako nagkakaganito ngayon. Namuo na lamang ang mga luha kong napatitig kay Zact. Bakas ang pagkabigla nito nang makita ang namuong luha ko. Doon nabigla ako nang mahina ito natawa. "Ano bang

