Chapter 3

1028 Words
Mabilis ako bumalik sa paggawa ng Assignment,hindi ko namalayan dito na din ako nakatulog sa lamesa.Nagising ako pasado alas-nuebe na ng tanghali. Wala na ang mga kapatid ko at naligpit na ang higaan namin.Ang Mama ko naman ay wala na din, nagkamot pa ako sa ulo ko bago tumayo nang biglang pumasok si John Derick habang nakasuot na ito ng uniform pamasok sa Eskwelahan . "Oh,ano? Tapos na ba?"tanong ni John na ang tinutukoy ang assignment niyang ipinagawa sa akin. "Oo,natapos ko."turan ko rito, at maya-maya ay nagkatinginan kami ni John sa malakas na sigaw mula sa tapat ng bahay namin. "Hoy! Marisa!Lumabas ka d'yan! Harapin mo akong gag* ka."galit na sigaw sa labas ng bahay namin. Nagkatinginan kami ni John Derick at binuksan ko ang pinto at mahinang sumagot sa babae . "Wala po dito ang Mama ko," saad ko. "Hoy! Ikaw,'yung nanay mong malandi at lasinggera!Pagsabi sabihan mo 'yan. Huwag ang anak ko ang nilalabanan niya,kung hindi ako!"sigaw ng babae sa akin samantalang ako ay nakatingin lamang rito kaya naman agad akong sumagot. "Sige po , pagsa-sabihan ko po, " turan ko dito,ngunit nagsalita pa ito. "Dapat lang sabihan mo 'yan! Aba,lumalandi s'ya sa Tatay mo tapos ngayon magagalit siya sa amin na pinagchichismisan namin s'ya! Eh, totoo naman." singhal nito. Nabaling ang tingin ko sa mga taong nasa likuran nito habang nakiki isyoso ang mga ito.Narinig kong bumulong mula sa likuran ko si John. "Ris, isara mo na 'yang pinto." Utos ni John sa akin akmang magsasara na ako ng pinto,ngunit muli nagsalita ang babae. "John derick! Ano ginagawa mo d'yan, naku!Umalis ka diyan at baka pati ikaw landiin d'yan ng nanay n'yang si Rissa! " sigaw ng babae. Nag katinginan kami ni John,doon ay nagdilim ang paningin ko sa tinuran ng babae.Tumakbo ako at nagtungo sa banyo upang kumuha ng baldeng may lamang tubig.Hinagisan ko ito nang tubig habang isinunod ko naman ihagis ang balde mula sa harapan nito. Nilapitan ako ng babae,agad ako sinabunutan nito ngunit agad ko din na iwaksi ang mga kamay niya mula sa pagkaka sambunot nito sa akin. Agad ko din itong sinabunutan nang magkaroon ako ng pagkakataon. Ang mga tao sa paligid namin na dapat ay umawat sa amin ay tila tuwang-tuwa pa sa nangyayari. Nabitawan ako ng babae matapos awatin ito ni John Derick. Habang ako naman ay tuloy-tuloy sa pag sabunot rito. Gigil akong sumasambunot rito, ngunit maya-maya lang ay mayroon humila mula sa bewang ko dahilan upang magbitiw ako sa babaeng hawak ko. Ipinasok ako ni Johnderick sa loob ng bahay namin kasabay iyon pabalibag nito isinara ang pinto ng bahay namin. "Puta,kang babae ka!Magbiro ka na sa lasing! Wag lang sa puyat na bagong gising"singhal ko pang sabi,habang ngayo'y naipasok na ako ni Jhon sa loob ng bahay namin. "Tama na, Clarissa!Hayaan mo na sila.Hindi mo sila masisi,hindi mo din sila makokontrol,"malakas na sigaw sa akin ni John habang ako ay nagpupumiglas sa pagkakayakap nito sa akin. Natigilan ako at ngayo'y nakatingin na lamang kay John. Binitawan ako ni John at pasalampak akong umupo sa sahig. Sinuklay ko ng isa kong kamay ang buhok ko at umupo din si Jhon sa harapan ko at ngayo'y mahinahon na itong nagsalita. "Si-sirain mo lang ang maganda mong mukha sa mga walang kwentang tao na mga 'yan, Clarissa,"mahinahon turan nito habang bakas pa din ang galit mula sa mukha ko,bumaling ako kay Johnderick. "Bakit ba Kasi ganyan si Nanay. S'ya ang may kasalanan nito,"naluluha kong turan kay John. Ilan sandali pa ako sinamahan ni Jhonderick sa loob ng bahay namin. Nagtimpla ako ng kape at naghanda ako ng tig-isa para sa amin. "Mag kape ka muna,"untag ko kay Johnderick,agad naman niya ito kinuha at umupo sa harap ko. Magkaharap kami ni John Derick nang biglang kumatok si Mama mula sa labas ng pinto. Binuksan ko ang pinto nang makapasok ito,sandali ako nitong pinagmasdan bago ito nag umpisa magsalita. "Nakipag-away ka ba kanina?!"galit na saad nito. Hindi ako agad nakasagot rito at umupo na lamang ulit sa harap ni Jhon,hanggang muli nagsalita si Mama. "Bakit ka nakikisali,ha?Clarissa. Kaya mo ba sila,ha! Ang tapang tapang mo!"Akala mo ba titigilan ka ng mga 'yan.Hindi,Clarissa!" singhal ni Mama nang makalapit ito sa harapan ko. Sandali pa akong nawalan ng imik at napatingin lamang din kay John na ngayo'y pinagmamasdan ako nang sigaw- sigawan ako ng Mama . "Oh,ano!?Matapang ka diba!Lumabas ka ng bahay na ito ngayon para mahanap mo ang hinahanap mo, "malakas na sigaw muli ni Mama mula sa pag mukha ko.Nag-angat ako ng tingin rito agad pabalang na sumagot. "Bakit naman ako lalabas!" mataray kong saad kay Mama nang biglang muli sigawan ako nito. "Kasi nga matapang ka diba! Bakit ka nagtatago dito ngayon?! Subukin mong lumabas ng bahay na ito para malaman mo ang hinahanap mo!" singhal ni Mama sa'kin. Muli ako sumagot dito. "Hindi ako natatakot sa kanila,Ma! Mas kinatatakutan ko ang sarili ko kumpara sa kanila!Dahil hindi ko kaya marinig lang na sabi sabihan ka lang nila na malandi! At ng kung ano-ano pa." "Hindi ako natatakot sa kanila, Ma!! Mas kinatatakutan ko ang sarili ko kumpara sa kanila!Dahil hindi ko kaya marinig lang na sabi - sabihan ka nilang malandi at nang kung ano-ano pa." "Hindi ko kaya Ma!Masakit sa dibdib," naluluha kong turan kay Mama. Mabilis umalis si Mama mula sa harap ko at nagtungo palabas ng pinto ng bahay at pabalibag nito isinara ang pinto. Pinunasan ko ng palad ko ang pisngi ko na basa ng luha bumaling ako kay John Derick at nagsalita. "Pasensya ka na Jhon. Sige na, pumasok ka na sa school at baka malate ka pa n'yan. Paki bigay na din kay Jona ang gamit niya ha, tutal naman kaklase mo siya,"sabi ko dito at agad naman ito sumagot. "Pagpunta ko dito late na ako. Kanina pa nga akong late eh,kaya't tinatamad na ako ngayon,"maagap nitong saad sa akin kaya naman mabilis ako sumagot. "Napaka-walang hiya mo din, eh noh! Pinagpuyatan ko 'yang mga assignment mo!Tapos hindi ka pala papasok ngayon,"ngal-ngal kong saad dito at natawa naman ito sa naging turan ko. "Heto na, papasok na nga lang. Mag ta-tatalak ka na naman dyan eh, "saad ni John Derick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD