"Oy!Utang ba ito! Sa susunod na linggo ko na lang ito ibabalik,ha.Masyadong malaki,eh."mahaba kong saad dito.
"Huwag mo nang bayaran 'yan.Advance bayad ko na 'yan sa iyo,pero isang linggo ka gagawa ng assignment ko."Agad ito umalis sa harapan ko at patalikod ito kumaway.
"Hay,salamat.Hulog talaga ito si Jhon Derick, ng langit sa akin."sabi ko sa aking sarili.Kaya lang nag-aalala ako bigla doon sa assignment nitong pinapagawa. Paano ba naman katakot-takot na puyat ang ginagawa ko masagutan ko lang ng tama ang assignment nila ni Jona at John,upang umulit ang mga ito ay pinagbutihan ko ang paggawa ng mga home studies nila.Simula nang mag-graduate ako ng high school, hindi na ako muling nakapag-aral pa. Napag-iwanan na ako ni Jona at John Derick,pero ayos lang dahil sila naman kasi ay may mga kaya sa buhay at ako isang kahig at isang tuka lang.Inabot ako ng dilim sa palengke at mabilis din akong bumalik sa bahay dala ang mga binili ko na mga pagkain.
"Oh, Lea.Atong! Magsaing na kayo, ito na ang ulam, bili ni Ate."baling ko sa mga ito habang malawak ang ngiti sa kanila.
"Wow! Ano ang binili mo, Ate?" masayang tanong ni Lea.
"Pritong manok, sa palengke ko binili. Magsaing na kayo para makakain na kayo. Maaga pa kayo bukas ni Atong," mahabang tugon ko sa mga ito.
"Ito na din ang baon ninyo bukas,itago ng mabuti,ha.Huwag ninyo papakita kay Nanay 'yan siguradong kukunin na naman 'yan,"dugtong ko at ibinigay ang baon nila .
"Huwag ninyo ako gisingin bukas dahil marami pa akong gagawin ngayon. Siguradong magpupuyat ako nito ngayon,"turan ko sa kanila.
At maya-maya lang ay nararamdaman ko ang pagyakap ni Atong sa akin at nagsalita ito.
"Sabi ko na nga ba Ate,eh. Hindi mo talaga kami pababayaan,"paglalambing na sabi nito, at parang gusto kong maluha sa sinabi ng kapatid ko.Pinigilan ko ang sarili nakuha at sumagot.
"Mukha ninyong dalawa!Huwag ninyo ako binobola d'yan.Sige na, kilos na kayo para makakain,"sikmat ko sa kanila habang pinagmamasdan ko ang dalawa kong kapatid na nagtutulungan.
Simple lang naman kami mangarap ng mga kapatid ko,wala kami hinihingi na kahit ano.Ang makaraos lang kami sa pang araw-araw ay malaking bagay na sa amin.
Maya-maya ay narinig ko ang katok sa pinto namin habang nakabukas lang ito.
Nilingon ko ito mula sa pinto at 'yon ay si John Derick, hawak niya ang itim na bag at pumasok ito sa loob ng bahay at papalapit sa akin.
"Heto ang gamit ko,Rissa."Agad inaabot sa akin ang ilang mga libro nito.
"Ay sige,akin na."Kinuha ko ang gamit ni John at itinabi sa mga libro ni Jona.
"Kaninong libro yan sa gilid? "tanong nito.
"Kay Jona, nagpapagawa din kasi
sa akin,"sagot ko.
Habang tinitingnan ko ang mga notebook ni John, nang biglang mayroong nalaglag na papel mula sa notebook nito at agad ko dinampot sa sahig. Laking gulat ko nang makita ko ito,ang litrato ko.Agad ako nag baling ng tingin kay Jhon na ngayon ay busy sa kakatingin sa mga kapatid ko.Mabilis ko ito binalik sa notebook niya at nagkunwaring hindi ko nakita ang litrato ko sa notebook n'ya.
"Kuya John, kain po tayo,"alok na sabi ni Lea.
"Sige na, mamaya pa ako,"sagot nito sa kapatid ko at agad lumapit sa akin at nagsalita.
"yong isang notebook pala kukunin ko. Kailangan ko pala iyan."Nakuha nito ang notebook na hawak ko kanina lang habang may naipit na litrato ko.
"Sige na,aalis na ako,"Paalam ni Johnderick sa akin.Tumango ako at tuluyan na din ito lumabas ng bahay namin.Maya-maya ay nagsalita ang kapatid ko.
"Ate,ang gwapo talaga ni kuya John,"
saad ni Lea at sumabat si Atong.
"Crush n'ya yun,Ate,"sabat ni Atong.
"Hala,hindi Ate! 'Wag ka maniwala kay Kuya Atong."
"Hoy! kayo,tumigil kayo d'yan dalawa. Baka sampalin ko kayo d'yan eh,bilisan ninyo kumain,"masungit ko saad sa mga ito .
Kaya naman tumahimik ang mga ito.
Ganito ang ugali ko sa mga kapatid ko,
hindi ako malambing sa kanila madalas ko sila sungitan kung minsan nakakapag salita din ako na kinakasama ng loob ng mga ito,ngunit hindi ako nag sorry sa kanila.Gusto ko lumaki sila na matatag at malakas ang loob at higit sa lahat maging responsable sa lahat ng bagay.
Hindi kami mayaman, wala kaming Tatay na nagtatanggol sa amin kaya't kami-kami lang ang magtutulungan.
Sumapit na ang madaling araw,tulog na ang mga kapatid ko at ako naman ay gumagawa pa ng assignment nila Jona,at John.Hindi pa din umuwi si Mama mula kanina, malamang ay nakipag inuman na naman ito sa labas. Nag buntong hininga ako dahil kay Jona pa lamang ang natatapos ko na takdang aralin.Hindi pa ako nagsisimula ng kay John.
Pinagmasdan ko ang notebook niya, tiningnan ang mga sulat niya,hindi mo aakalain sulat ng lalaki dahil ang ganda ng sulat kamay nito kumpara sa sulat ni Jona na akalain mo doktor kung magsulat ito at siya lamang ang nakakaintindi.Maya-maya lang ay naramdaman ko ang ingay mula sa labas ng bahay.Mabilis ko binuksan ang pinto at sinilip kung ano ang ingay sa labas.Nakita ko si Mama nakikipag away sa labas.
"Ma!"sigaw kong tawag rito,habang ito naman panay ang sigaw sa kaaway niya. Lumabas ako at agad ko ito hinila papasok ng bahay.
"Ma! Matulog na kayo,hayaan n'yo na 'yang mga kaaway n'yo"sikmat ko rito.
"Paano ba naman,mga chismosa sila!
Ipagkalat ba naman na anak kita sa ibang lalaki.Mga chismosa talaga sila!
Mga walang magawa sa buhay," singhal ni Mama at maya-maya lang ay agad na humiga na ito sa tabi nila Lea upang matulog na.
Tumitig ako kay Mama,maputi ang Mama ko kaya't nag mana ako rito. Maganda din ang mga mata nito ngunit dahil napabayaan na ang sarili niya at panay inom pa ito ng alak,doon ay tanging ako na lamang ang nakapa-pansin sa tinatago ganda ng Mama ko.Ako na lamang ang tanging nakakaalam sa kung gaano kaganda noon ang Mama ko. Kaya naman minana ko ito sa kaniya.Ang labanos nitong kutis at magandang mukha ay nakuha ko ito sa aking ina at si Lea at Atong naman ay kamukha ng Papa ko na ngayo'y namatay na noong bata pa lamang ako.