CHAPTER 1

2159 Words
Natasha Mae Ramos Simula bata ako ay sanay na sanay na ako sa bukid lagi akong isinasama ni inay at itay para mag tanim ng gulay ,kasi noon nakikisaka lang kami sa kaibagan ni itay kaya siguro naging kaibigan ko narin yung anak nilang si Justin lagi nga nilang sinasabi na pag laki niyo siguradong kayo mag kakatuluyan dahil napakalapit niyo sa isat isa sabi saakin nung daddy ni Justin agree din naman sila itay at inay na kahit mga 10 years old palang kami ni Justin nun. Simula kasi day care siya na ay kasa kasama ko na siya hanggang highschool pero siguro alanganin ngayong college na kami dahil kwento niya saakin noon na sa America daw gusto ng mga magulang niya na pag aralan niya.Umiiyak pa nga siya saakin noon dahil di na daw niya ako makikita .Sabi ko naman na wag siyang mag alala dahil diko siya makakalimutan ,diko makakalimutan yung taong ni minsan hindi niya ako hinushagan. Yung grades naming pareho ay halos mag kalapit ,kaya sa exam pinag reretake nila kami kung sino daw mas mataas makuha siya yung magiging valedictorian sabi pa nga ni Justin na wag na daw mag retake dahil okay lang daw na ako yung maging valedictorian dahil deserve ko daw yun sabi ko naman na hindi maari dapat dalawa kaming mag exam dahil parang naguguilty rin naman ako pag bigla bigla nalang akong maging valedictorian.Kaya wala siyang nagawa. Nag exam na kami kinabukasan nag review ako ng maiigi para naman rin kung sakali maging valedictorian ako at maka kuha ng scholarship. Nalaman na yung results ,umiyak pa si Justin sabi niya "congratulations tashang you did it "naiyak nadin ako saka kami nag yakapan "congratulations din sayo Tin "para kaming tangang dalawa nung araw nayun. Napaka saya ng araw nung graduation day namin dahil nga sa wakas naka tanggap ako ng scholarship pero lagi na akong nakatatanggap pero iba parin ngayon dahil sa Manila na ako mag aaral. Nag dadalawang isip ako dahil malalayo ako sa magulang pero para din sakanila lahat ng ito. ........................... Napaka gandang pag masdan ang napaka gandang bukirin.Napakasaya at maaliwas sa pakiramdam ang manirahan dito sa probinsiya .Puro mga tanim na gulay ,prutas at mga hayop lang ang nakikita.Walang masyadong usok tulad ng sa Manila,dito sa probinsiya kakalanghap ka nang sariwang hangin na nakapag papalakas tuwing napapagod galing bukid. "Natasha gising na pupunta tayo sa bukirin natin tutulungan natin mag tanim ng mga gulay ang itay mo at dadalhan natin siya ng umagahan ,napaka aga naman niya kasing umalis at nag trabaho na sa bukirin"bulyaw ng inay ko at umagang umaga ay boses niya na ang naririnig ko. Dito sa bukid na ang kinalakihan kong buhay ,mahirap lang kami ngunit kahit gaano kahirap ang buhay ay nakakakain parin kami ng tatlong beses sa isang araw.Ito lang ang tanging hanap buhay ng mga magulang ko .Ako lang ang nag iisa nilang anak ,kumbaga ako na ang tinatawag nilang prinsesa sa bahay at reyna syempre ang aking inay. Kahit mahirap ang buhay ay nakapag aaral parin ako,ngunit kailangan kong makipag sapalaran sa Manila sa susunod na pasukan dahil koleheyo na ako at nakatanggap ako ng scholarship galing sa paaralan namin dahil ako ang valedictorian .Ayaw pa sanang pumayag nila itay at inay dahil napaka layo daw ng Manila at mukhang mahihirapan ako dahil lumaki sa probinsya. Nag aalanganin din akong pumunta pero iniisip ko ang mga magulang ko dahil ayaw ko ng maranas nila ang ganitong buhay at nag promise din ako na basta bakasyon ay uuwi dito ako sa probinsiya. Tutulungan naman ako ng skwelahan ko para maka kuha ng titirhan ko sa Manila sagot na nila ang condo ko at renta ng dalawang taon. Pero limang taon ang kursong kukunin ko ,gusto kong maging engineer para maka pag patayo ako ng sarili namin bahay dahil ,maliit lang na parang kubo ang bahay namin ,minsan nga pag umuulan ay nababasa kami dahil maraming tumutulong tubig sa yero namin dahil butas butas ang ilan na yero namin. Kaya pag sisikapan kong mag aral at mag trabaho pag sabado at linggo para pandagdag mg allowance at maka pag ipon sa pag renta ko ng condo ko kung sakaling nakalipas na ng dalawang taon. Bumangon na nga ako sa pag kakahilata ko ng bungangaan ako ng inay ko at nag palit narin ng damit pang bukid ,balot na balot akong pupunta sa bukirin dahil ayaw ni itay at inay na madungisan ang napaka ganda kong kutis ,at maganda kong mukha .Sabi ko naman na okay lang dahil nasa bukirin naman ako ,pero alam kong hindi naman ako maganda kutis lang ang maganda saakin hindi naman gaanong kaputi pero sa totoo lang hindi ako kagandahan lagi nga akong inaasar sa paaralan noon na para daw akong monkey dahil napaka kapal ng kilay ko ,ang palahibo din ng mga braso at paa ko at hindi rin ako mahilig mag suklay kaya siguro para akong monkey ,pero wag sila kahit hindi man ako kagandagan may tao parin na nag sasabing maganda ako yan sila itay at inay. Hindi man ako kagandahan may talino naman ako at ni isa walang nakakaalam na may talento ako sa pag guguhit kahit sila inay at itay hindi nila alam ang mga sketch book ko ay tinatago ko sa kabinet ko ,tuwing wala sila inay at itay pag nasa bukid sila doon ako nag kakaoras para gumuhit. Naguhit ko na rin sila inay at itay pati narin ang paborito kong artista na si Sarah Geronimo . Pumunta na kami ni inay aa bukid at para dalhan ng pag kain si itay dahil mukhang pagod at gutom na iyon. Nakita naming nag tatanim ng gulay si itay tinawag namin siya para mag silong muna at kumain ng umagahan at tutulungan namim siya pag tapos niyang kumain. "Nako bakit pa kayo pumunta dito sa bukirin madudungisan ang prinsesa at ang reyna ko"pabirong sabi ni itay habang papalapit sa kinakaroonan namin ,kahit pagod na si itay ay nakuha pa niyang mag biro. "Ano kaba mahal , hindi kanaman namin hahayang mag isa dito at hindi kapa ng umagahan at mukhang pagod na pagod kana"sabi naman ni inay kay itay "Napaka sweet naman ng dalawang babaeng pinakamamahal ko" Kahit pagod na si itay hindi niya pinaparamdam saamin at wala sa isip niya ang sumuko at mag pahinga kahit lagi naming sinasabi na magpahinga siya dahil importante rin ang kalusugan niya. Habang kumakain si itay ay nabanggit niya yung pag punta ko sa Manila sa susunod na linggo na pala iyon napaka bilis lumipas ang araw.Naging malungkot ang mukha ng magulang ko. "Anak sigurado kana talaga ,kung gusto mong wag tumuloy okay lang " "Itay sigurado na po ako wag kayong mag alala dahil tatawagan ko kayo at bibisita ako pag bakasyon " "Hay parang ayaw pa kasi naming mahiwalay sayo anak ,18 ka palang pero mag hihiwalay na tayo " "Ano kaba naman mahal hindi narin bata ang anak natin supurtahan nalang natin siya t nangako siyang papasyal siya dito saatin,diba anak"agad namang sabi ni inay at mukhang naiiyak na "Opo wag kayong mag aalala mag aaral akong mabuti at hindi ko kaya bibiguin ,at papasyal din po ako dito" Nag patuloy na kami sa pag tatanim at para maka uwi narin kami dahil anong oras na mag tatanghalian na. Uwi na kami sa bahay at nagluto ng pagkain namin ngayong hapunan . Habang si inay ay nag luluto sa maliit naming kusina ay pumunta ako sa maliit kong kwarto at una ng nilagay ang sketch book ko sa bag na dadalhin ko sa papunta ko sa manila dahil habang hindi pa agad ako maka hanap ng part time job ko ay mag dradrawing ako. Isang araw nalang bago ang pag alis ko papuntang Manila ,inihanda nanamin ni inay ang mga gamit na kakailaganin ko.Habang nag iimpake kami ng gamit ko ay biglang nag salita si inay"anak wag mo kaming alalahanin dito sa probinsiya ang pag aaral mo ang isipin mo ang kinabukasan mo dahil kami ng itay mo ay yun lang ang yaman na maibibigay namin sayo ang edukasyon kaya pag butihin mo wag mo kaming isipin dito anak ,mahirap man na mawalay sa iyo ay kakayanin namin dahil alam namin sa kabila ng hirap na pag dadaanan natin ay masusuklian din ito ng kasiyahan kaya mag aral ka ng mabuti anak at may tiwala ako sayo kami ng itay mo na magiging engineer ka matutupad mo yang pangarap mo andito lang kami ha "napaiyak nalang sa sinabi ni inay saakin at yinakap ko siya ng napaka higpit wala si itay at nasa bukirin nanaman namin siya dahil tinatapos niya ang pag tatanim para makasama siya sa pag hatid saakin bukas sa sakayan. "Anak kong may problema ka man doon sa Manila ,tumawag ka lang saamin ha ,hanggang kaya naming sagutin ang tawag mo sasagutin namin" "Maraming salamat inay ,wag kayong mag alala saakin" Pag tapos naming mag ayos ng gamit ko ay kumain na kami ng panggabihan at maaga narin akong pinatulog nila itay at inay dahil maaga akong gigising bukas. Bago ako natulog ay kinuha ko yung nag iisa naming litratong buong pamilya ,nilagay ko wallet ko dahil incase na mamiss ko sila at siguradong mamimiss ko talaga sila ay titignan ko lang yung wallet ko na may mukha ng mga taong mahal ko ay lalakas ang pakiramdam ko. ............... Kaumagahan ay nag madali na akong naligo at sila itay ay niready na nila yung mga gamit ko. Nag palit na ako ng damit ko at tiyaka nag ayos,tinawag na nila ako na pupunta na daw kami sa sakayan bago kami pumunta ay biglang dumating sa bahay si Justin siya lang yung kaibigan ko simula pag kabata ,nagplanuhan namin noon na sabay kaming mag kokoleheyo sa Manila dahil parehas kaming may scholarship siya yung saletatorian namin , pero sa America daw siya mag aaral pareho kami ng kukunin amg e engineer din siya at magaling ding gumuhit ,nakita ko nga minsan yung sketch book niya ay meron yung mukha ko doon ,nakapag tataka bakit ako nandon sa Sketch book niya ang pagkakaalam ko ay mga paborito niyang anime ang ginuguhit niya. Naging kaibigan ko si Justin simula pag kabata dahil sila itay at ang daddy niya ay mag kaibigan dahil nag tratrabaho kasi si itay sa sakahan nila noon ,maraming sakahan sila Justin halos ata ng bukirin dito ay sakanila.Sila din ang nag bigay ng sakahan na sinasaka namin ngayon kaya malaki ang tulong nila saamin,pasasalamat daw nila kay itay dahil sa tagal niyang nag trabaho sa bukirin na pag mamayari nila. "Tashang sayang hindi tayo mag kasama sa Manila para mag aral ,gusto kasi nila mommy at daddy na sa America ako mag aral ,gusto pa naman kita makasama ,wala nang proprotekta sayo pag may nambully sayo"tashang ang tawag saakin ni Justin in short daw sa Natasha at Tin naman ang tawag ko sakanya ,tama nga siya ,siya yung nag tatanggol saakin pay may nambubully saakin at sinasabihan akong Natasha Monkey,minsan nga na guidance narin siya noong elementary kami dahil lang saakin. Sabi nga nang mga kaklase namin na bakit daw sa tulad ko pa ang naging kaibigan niya hindi daw bagay maging kaibigan ang mahirap at pangit na tulad ko sa tulad ni Justin na gwapo at mayaman.Hindi naman nag patinag si Justin at mas lalong napalapit siya saakin kaya nakakalungkot din dahil hindi ko na siya magiging kaklase ngayong koleheyo. "Okay lang Tin,malaki na ako kaya ko ng ipag laban ang sarili ko"kahit ang totoo ay hindi ko kayang ipag laban ang sarili ko at malamang ay puro mayaman ang kaklase ko sa Manila. "Promise ko sayo Tashang pag uwi ko at pag naka graduate ako bibisita ako agad dito sa Pilipinas at ikaw ang una kong pupuntahan" "Oh talaga lang ha baka di mo na ako kilala ,dahil malamang sobrang gwapo mona at sobrang yaman mo na ,baka madiri ka saakin na lumapit sa ganitong itusara ko" Nakabusangot siya sa sinabi ko"huy tashang wag kang mag sabi nang ganyan ,kailangan pa ako nandiri sayo ha napaka ganda mo nga ikaw ang pangalawa na pinaka maganda una si mommy at pangalawa ikaw" "Sige na nga ,pupunta na kami sa sakayan tin paalam"pumunta na kami dahil medyo mahaba haba narin ang pag uusap namin ni Tin. Yinakap naman niya ako ng mahigpit at bumulong nang ,"mag iingat ka ha ,hintayin mo akong bumalik at wag ka munang mag boyfriend ha ,malilintikan yang lalaking mang hihimasok sa buhay mo" Binatukan ko naman siya ng malakas dahil sa binulong niya saakin akala mo naman tatay ko siya ,at hindi ko rin ma gets at hihintayin ko daw siya at wag mag boyfriend ,e gusto niya atang mag madre ako. Ilang taon din na hindi kami mag kikita ng kaibigan kong yan siguro pag dating na dito sa Pinas ay tanyag ng engineer at hindi na ako ,pero sabi naman niya hindi iyon mangyayari dahil importante ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD