Nakarating na kami sa sakayan at nag paalam na kay itay at inay .Yinakap ko sila ng mahigpit at ramdam ko ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko.Napa iyak nadin si itay at inay habang pasakay na ako ng bus papuntang Manila kinawayan ko na sila hanggang tuluyan ng naka layo ang bus na sinasakyan ko.
Minessage na ako ng paaralan na nag bigay saakin ng scholarship at binigay niya saakin yung adress kong saan kami mag kikita ng taong mag tuturo kung saan ang paaralan at saan ang condo ko.
Nakarating na ako sa lugar na sinabi saakin ng school na sasama akin sa paaralan na papasukan ko at sa condo na titirahan ko.
Pag kababa ko ng bus ay agad niya akong nilapitan nagulat pa ako akala ko ay ibang tao buti nalang at nag pakilala siya na siya yung na assign sa school namin na sasama saakin.Nag paumanhin naman ako sa kanya buti nalang at mabait.
Una na naming pinuntahan ay yung paaralan na papasukan ko na ang pangalan ay Mythical University ,hay pangalan palang alam ko ng malawak at siguradong maliligaw ako dito.
Sumakay nakami sa sasakyan ni Mrs.Galot siya yung na assign na sasama saakin sa paarlan.
Medyo kalahating oras narin ang nakakalipas at sa wakas narating din daw namin yung Mythical University ,pag kababa ko ay namangha ako sa laki at lawak ng paaralan na ito ,napakarami ding students at mukhang mayaman nga ang nag aaral dito dahil sa suot palang nila ay napaka bongga na hindi gaya ko na parang pambahay lang nila.
Pumasok na kami sa loob ng paaralan dahil mag eenroll na ako sa kursong kinuha ko dahil sa lunes na ang unang pasukan ,medyo nalate na din ako sa pag eenroll dahil dipa ako maka decide at hindi rin maka decide ang mga magulang ko kung tutuloy ba ako.
Pumunta kami sa principals office ,sumunod lang ako kay Mrs.Galot papasok sa principals office dahil di ko alam ang pasikot sikot dito.
Yung office ng principal ng school ay napaka lawak mas malawak pa ito sa bahay namin sa probinsiya sabi ko sa sarili ko.
Binati ni Mrs.Galot ang principal na si Mr.Marcial Marquez mukhang strikto siya dahil sa itusara niya palang mukhang nakakatakot.
"Good morning Mr.Marquez this this Natasha Mae Ramos the scholarship of our school in the province"
"Oh see ,welcome to our school Ms.Ramos ,well sana mag enjoy ka dito sa paaralan namin ,and for sure mag eenjoy ka talaga dahil marami ang students dito ."
Ningitian ko siya dahil hindi pala siya ganun ka strikto ,malumay lang siyang mag salita saakin.
"Thank you po for having me her in your school sir Marquez"sagot ko naman sa kanya ,nag english na ako para naman magamit ko ang galing ko ,dahil kahit sa enrollment palang ay maipakita ko na ang talino ko.
Natapos narin ang interview at enrollment nag paalam na kami sa principals at binati din ako ng ibang guro doon.
Next naming pinuntahan ay sa condo na titirhan ko ,akala ko malayo sa paaralan namin dahil malamang lagi na akong late pumasok at mag cocommute pa ako papunta sa MU ,buti nalang ay malapit lang pwede ko ding lakadin,kung gugustuhin ko.
Nag paalam si Mrs.Galot at sinabi niyang mag pahinga muna ako ngayon ,dahil pasukan na sa lunes at isang araw nalang ay lunes na.
Binigyan niya ako ng pag kain at gagamitin ko sa condo na good for 1 month.
Nag pasalamat ako sa kanya at nagpaalam na.
Iniaayos ko na ang lahat ng gamit sa kabinet na maliit na nasa kwarto ko ,buti nalang ay hindi gaanong karami ang dinala kong gamit ko.
Pag tapos kong mag ayos ay nag luto nadin ako ng makakain ko ,itlog at kamatis ang niluto ko paborito ko kasing ulam ito dahil lagi naming inuulam sa probinsya at maraming tanim si itay na kamatis.
Pag tapos kong nag luto ng kanin at ulam ko ay kumain na ako para maka pag pahinga narin .
Naka kain at naka hugas na rin ako ,kinuha ko yung sketch book ko at ginuhit ko yung bukirin namin sa probinsiya habang wala akong magawa.Namimiss ko na rin yung sariwang simoy ng hangin at kahit ilang oras palang ang nakakalipas simula nung umalis ako doon.
Sa pag guguhit ko ay biglang tumawag si inay agad ko itong sinagot para maibalita na nakarating akong ligtas dito sa Manila.
"Hello anak Natasha,kumusta ang biyahe mo,naka kain kana ba ,may problema kaba ,kumusta yung paaralan at condo na titirahan mo napuntahan mona ba"yan ang sunod sunod na sabi ni inay saakin.
"Opo inay , safe po akong nakarating dito at kasama ko po si Mrs.Galot sinamahan niya po ako sa paaralan na papasukan ko.Tiya nga pala inay napaka ganda ng paaralan napaka lawak ,at ito pong condo maganda po kompleto po ang gamit ko dito at may pagkain din po silang binigay good for 1 month kaya wag kayong mag alala saakin dito"
"Maganda naman kong ganun ibabalita ko sa itay mo dahil nasa bukid nanaman siya gusto niya kanina na tawagan kana bago siya pumunta pero sabi ko kako na baka may inaasikaso kapa"
"Sige inay paki sabihan nalang si itay na ayos lang ako para dina siya mag alala.saakin"
"Oo anak mag iingat ka jan ,tawag ka lang pag kailangan mo ng pera dahil gagawa kami ng paraan para mabigyan ka"
"Opo inay wag na po kayong mag abala ng pera gastusin nalang po inyo yan ,mag hahanap ko ako ng trabaho pag wala po akong pasok ng sabado at linggo"
"Sige anak,at pupuntahan ko na ang itay mo sa bukid para mananghalian na kami "
"Opo inay may iingat po kayo,i love you inay"
"I love you too anak ko ,mag iingat ka rin diyan"
'bye inay"
Pag tapos naming mag usap ni inay ay nag patuloy ako sa mag guguhit hanggang diko namalayan ay naka tulog na pala ako.
Pag gising ko ay alas syete na gabi,nag luto na ako ng noodles para pang gabihan ko dahil tinitipid ko ang pag kain ko para umabot ng isang buwan at hindi maubos agad habang hindi pa ako nakakahanap ng part time job ko dagdag sa pang gastusin ko.
Pag tapos kong kumain ay napag isip isip kong mag lakad lakad muna sa labas ng condo at para narin maka bisado ko ang lugar ,buti nalang at hindi kalayuan ang plaza dito sa condo ko at nalalakad ko din .
Lumabas na ako at nag lakad lakad sa plaza ,mas hamak na mas maganda talaga ang plaza dito napaka lawak at ang daming mga ilaw na nakasabit ibat ibang kulay nakaka gaang pag masdan.
Habang nag lalakad ako may nakita akong namamalimos na batang babae, lumapit siya saakin at humingi ng pera pero hindi ko siya binigyan sabi ko ay upo lang siya dito at hintayin ako at may bibilhin lang ako.
Sumunod naman yun bata at pumunta na ako at bumili ng makakain nang bata hindi man gaano karami pero sapat narin sa kanya,kaysa pera ang ibigay ko at ibili pa niya sa ibang bagay mas maganda na pag kain nalang ang ibigay ko.
Nakabili na ako akala ko umalis na yung bata pero nakita ko na may kasama siyang isang lalaki sa pag kakakita ko ay may itusara rin yung lalaki at mukhang mag kasing edad lang kami ,nilapitan ko.siya at baka may gawin pa siya sa bata .
"Huy ikaw lalaki ka anong ginagawa mo sa bata "agad kong bulyaw sa kanya at hinila yung batang palaboy at biglang nag taasan naman ang dalawa niyang kilay.
"Huy ka rin Ms. wala naman akong ginagawa sa batang palaboy na ito ,tinatanong ko lang ang pangalan niya"
"Opo ate wala pong ginagawa itong si kuya pogi saakin"sabat naman ng batang palaboy at mukhang kinikilig pa habang naka tingin sa lalaking ito
"Malay ko ba kong may gagawin ka sa batang ito,mukha ka pa namang gangster dito sa Manila"
Tama mukha siyang gangster dahil yung buhok niya pataas na parang na simento at may hikaw pa siya sa labi at mag ka bilang tenga niya.
"Huy miss ingat ka sa sinasabi mo ha hindi mo ako kilala "
"Huy karin ,hindi mo din ako kilala".
"Ay sumasagot ka ha ,hindi ka naman kagandahan pero ang tapang mo kung mag salita"
Medyo nasaktan ako sa part na sinabihan niya ako ng hindi kagandahan kahit marami ng nag sasabahi saakin niyan,hindi na ako naka sagot at hinila ko nalang yung batang palaboy para ibigay yung pag kain na binili ko sa kanya ta lumayo sa lalaking bwisit na yun,sana hindi ko na siya makita ever.
Napaka malas naman ng unang araw ko dito sa Manila may panira.
"Bata wag kang makikipag usap kong kani kanino ha ,delikado yun ,oh ito kainin mona , pasensya na at iyan lang nabili ko ,hindi kasi ako mayaman "
Subo ng subo ng tinapay ang bata at nagawa pa.niyang mag salita.
"Maraming salamat po ate ,okay na po ito ikaw lang po nag kusa na mag bigay saakin ng pag kain isang araw na kasi po akong hindi nakakakain"
"Lunukin mo muna yang kinakain mo baka mabulunan ka"
Hindi niya siya sumagot at kumain na siya pag tapos niyang kumain ay mag salita ulit siya.
"Ate hayaan mo tutulungan din po kita pag may pera na po ako at naka pag aral napo ako"
"Bakit wala kana bang pamilya"
"Sa bahay ampunan na ako lumaki ate ,hindi ko po alam kung may magulang po ako "
"Bakit ka umalis doon ,doon ay pang araw araw kang pang kain "
"Ayaw ko doon ate hindi masaya doon, hindi po kami nakakalabas at nakakapasyal ,buti pa dito sa lansangan nakakapasyal ako pero wala lang pag kain,buti nalang po meron ka ate "
"Kahit na bata ,ano palang pangalan mo?"
"Ako po si Chie chie ikaw po anong pangalan mo?"
"Ako si Natasha tawagin mo nalang ako ate tasha okay,alam mo chie chie mas magandang bumalik kana lang doon ,dahil don pag uulan may pag sisilungan ka ,diba gusto mong mag aral ,sabihin mo sa kanila na gusto mong mag aral ,dahil alam mo mas maganda pag may pinag aralan ka kahit mahirap ang buhay,ako nga mahirap lang kami taga probinsya ako Chie Chie bago lang ako dito sa Manila para mag aral ,kaya bumalik kana doon okay "
Naka simangot siya at kalaunan ay pumayag narin siya"hayaan mo ate Tasha makapag tatapos po ako,maraming salamat po ate ,babalik na po ako sa bahay ampunan,babye po"
Nag paalam na ako sa kanya,buti nalang ay nakinig siya saakin ,kitang kita ko sa mga mata niya na gustong gusto niyang mag aral.
Umuwi narin ako dahil alas nuebe narin pala at maaga pa ako bukas at bibili ng gamit ko sa pag pasok sa Mythical University sa Lunes.Habang pauwi na ako nag message ang Mythical University at nakita ko ang message nila kung saang room ako papasok sa Lunes para daw madali kong mahanap ,sana nga ay mahanap ko agad ang room ko.