CHAPTER 3

1926 Words
Natasha Minulat ko ang mga mata ko at nataranta ako ng makita kong dumudungaw na ang araw sa bintana sa tapat ng kama ko.Agad akong nataranta dahil anong oras na at mukhang late ako sa first day of school ko.Agad na akong naligo at gumawa nalang ako ng sandwich para kainin habang papaunta sa Mythical University dahil wala na akong time para mag luto pa. Dali dali kong kinuha ang gamit ko at lumabas na ng condo na hindi pa naka suklay ,okay lang yan hindi naman ako sanay mag suklay kahit mag suklay man ako wala parin mag babago sa itsura ko. Tumakbo na ako papuntang paaralan hindi na ako mag tricycle dahil less gastos narin ,takbo ako ng takbo habang naka sakmal ng sandwich ang bibig ko. Naka rating na ako at buti nalang at pinapasok ako ng guard sa school buti nalang at mabait at binigay ko sa kanya yung isa pang sandwich na ginawa ko kaya niya ako pinapasok.Galawang Tasha yan para lang maka pasok. Napaka malas naman ng first day ko sa Mythical University dahil pag pasok ko diko alam ang room na pupuntahan ko ,nag tanong tanong ako kung alam ba nila yung room A 1-2 Civil Engineering pero hindi nila ako sinasagot at iniiwasan ako at may sama pa ang tingin. Civil Engineering ang kinuha kong major dahil doon ako magaling sa pag gawa ng mga blue print at pag drawing ng mga designs ng mga bahay.Pinag isipan ko talaga ng malala para naman hindi siyang ang scholarship ko at talagang gustong gusto ko itong kurso para narin sa mga magulang ko. Pati ba naman dito ay may mga tao paring tinitignan ang itsura ko. Hanap ako ng hanap pero diko parin alam.Naupo nalang ako sa tree park para mag pahinga dahil pagod na pagod ako sa kakahanap ng letcheng room section na ito. Habang naka upo ako biglang may lumapit saakin na isang matangkad ,maputi at maganda ring babae . "Miss bakit ka andito bakit dika pumasok sa room niyo" "A eh kasi sa totoo niyan diko mahanap ang room section ko " nahihiyang sagot ko sa kanya "Bago kaba dito?bakit hindi ka nag tanong tanong sa mga students din dito" Di niya alam na ilang beses akong nag tanong pero lumayo sila saakin. "Dont worry ituturo ko sayo ano bang section mo?" "Room A 1-2 Civil Engineering " "Oh talaga ba ,sakto mag ka klase pala tayo halika na baka ma late pa tayo sa mga subjects natin,by the way whats you name?" " I am Natasha Mae Ramos ikaw " "Ako si Charry Kath Pimentel but its okay to call me Charry" Ningitian ko siya dahil napaka bait at ganda niya siya lang yung hindi ako iniwasan. Hay buhay buti nalang at may hulog langit na tumulong saakin ,sinundan ko lang siya hanggang sa maka rating kami sa third floor doon pala sa pinaka dulo ang classroom namin. Pumasok na kami sa room namin at nagulat ako dahil binati siya ng mga kaklase namin. "Good morning Pres.Charry you look so beautiful today"sabi nung isang babae at lumapit sa amin. "Same to you Aiza " "Charry sino siya bakit kayo mag kasama , don't say na pinalit mo ako sa kanya " At natatawa pa siyang sabi at naka tingin pataas pababa saakin. "Aiza she's Natasha ang bago nating kaklase nakita ko siya and di niya mahanap ang room natin so i tell to her na ituro ko sa kanya." Tumango na siya at bumalik sa upuan niya. Hindi ko alam saan ako uupo dahil ang dami namin sa room more than 50 ata . Nakita ko na may bakanting upuan sa likod actually apat iyon kaya pumunta ako .Pinag titinginan ako ng mga kaklase ko at nag bulong bulungan na "saan ba ito natutulog mukhang sa lansangan tignan mo yung buhok niya hindi pa naka suklay" "Korek sis ,pano siya naka punta dito sa sikat nating school diba bawal ang pulubi" at sabay silang tumawa . Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang ako na hindi nila alam na ako si Natasha Mae Ramos ang may full scholarship at valedictorian nung highschool ,isusumbat ko sana yan pero mas nanaig ang pasensya ko. Ilang minuto ang nakalipas ng dumating na ang professor namin. Mabilis lang siyang nag discuss at sinabi lang yung lesson then sabi niya na mag groupings kami at umalis na sabi niya group into five kahit sino na ang kasama namin. Lahat na ng classmate ko ay may sari sarili na silang groupings pati si Charry kasama niya ang mga kaibigan niya at isa na dun yung Aiza na kung makatingin saakin ay parang maganda ,hindi hamak na mas maganda si Charry sa kanya. Ang alam ko ay wala na akong kagroupo para mag discuss ng lesson ,pero may lumapit saakin na napaka gandang babae ,singkit siya at ang red ng labi niya para siyang angel. "Miss wala ka bang ka groupo ?tanong niya saakin at nag si tinginan ang mga classmates ko. Tumango ako at umupo siya sa tabi ko"gusto mo sama ka nalang sa groupo namin kulang kasi kami ng isa " Tinignan ko ang mga ka groupo niya at mukhang hindi sila sang ayon,pumayag na ako at para rin may ka groupo ako. Yinaya niya akong pumunta sa mga kasama niya ,sumama naman ako at kinuha yung mga gamit ko. "Ano palang pangalan mo ,mukhang bago ka lang dito" "Ah oo bago lang ako dito ako si Natasha Mae Ramos" "Oh see kaya pala ,ako naman si Hannah Kathalia Madrigal " At nag pakilala naman na ang mga kasama niya saakin at mukhang hindi parin sang ayon na ako ang kasama nila. Pinag usapan na namin kung anong part ang i gagawan namin ng lesson saka namin pag sama sama at ibigay kay Hannah bukas.Balak nila na matapos na namin agad at kung sakaling mabunot namin ang unang mag didiscuss ay ready kami. Pag tapos naming pag usapan yung lesson na gagawin namin ay mag ring na yung bell at lunch break na pala. Hindi ko alam kung saan yung cafeteria dito,kaya nag pasya nalang ako na hindi kumain ,pero niyaya ako nila Hannah na kumain at pag usapan pa daw ang lesson at para na din daw makilala nila ako. Pumayag rin ako dahil gutom na ako at wala pa akong umagahan kanina . Pag pasok namin sa cafeteria ay napaka raming taong kumakain .Hinila ako ni Hannah patungo kung saan kami pwepwesto.Sabi nila na hintayin ko na daw sila dito at sila na ang bibili ng lunch namin at treat na daw nila ako, tumanggi ako pero sadyang mapilit sila. Kaya nag hintay ako doon sa pwesto namin, habang nag hihintay ako ay may tatlong lumapit saakin ,tatlong babae na ang sososyal ng gamit nila "Huy girl di mo siguro alam na pwesto namin niyan,o sadyang nag tanga tangahan ka lang at baka madumihan yang table napaka pangit mo pa naman "at biglang nilang tinapon ang bag ko Pupulutin ko na sana ang bag ko ng biglang may ibang pumulot pag ka tingin ko ay si Hannah pala. "Natasha ito bag mo" "Salamat"ningitian niya ako at binaling ang tingin niya sa tatlong babae "Huy kayo don't dare to say na pag aari niyo ang pwesto na ito" " How dare you , sino kaba and yes saamin ito lagi kaming pumipuwesto dito kayo lang ang nag tangkang maupo dito " " How dare you too ugly creature ,nasan ang resibo na pag aari niyo dito bago kami umalis".Hindi na nakasagot ang mga babaeng ito at nagulat ako na mabait talaga si Hannah kahit ngayon ko lang siya nakilala. Umalis nalang sila na puno ng kahihiyan at pinag tatawan ng mga kapwa naming students. "Okay kalang Natasha" "Yes okay kang ako at salamat pala" "Don't worry about it ,lets eat then lets go na dahil mag sesecond subject na" Ningitian ko nalang siya at kumain narin. Pumunta na kami sa next subject namin and as usual ay mabilis lang din silang mag discuss dahil ganito daw pag first day of school hindi gaya sa public ay kahit first ay tutok ang mga guro. Maaga silang nag pa dismissed ang mga teacher 3 palang ng hapon pero umuwi na kami. Niyaya ako nila Hannah na mamasyal daw sila pero tumanggi ako sinabi ko nalang na gagawin ko pa ang part ko sa lesson para bukas. Naintindihan namam nila ako at nauna na silang lumabas ng school saka ako sumunod. Nag lalakad na ako pauwi ng bahay at nakita ko si Chie chie na nag lalaro sa plaza na nadaan ko ,tinawag ko siya at agad naman siyang tumakbo saakin. "Huy Chie akala ko ba bumalik kana sa bahay ampunan " "Opo ate bumalik na ako pero ayaw ko talaga doon mas masaya talaga ako dito " "Oh kumain kana ba " "Opo ate binigyan ako ng pag kain ,yun o yung poging kuya na naka upo " Tinignan ko kung sino yung tinuturo ni Chie na gwapo daw na nag bigay sa kanya ng pag kain. Pagka kita ko ay yung mokong na gangster pala ,bakit kaya lagi siyang nandito tuwing mapapadaan ako ,hay sira nanaman ang araw ko. Ningitian ako ng mokong na yung at kumaway ka saakin,binigyan ko lang siya ng masakit na tingin at saka nag paalam na kay Chie Chie. Aalis na ako ng harangan niya ako. "Huy bakit ang sungit mo,hindi ka naman maganda" "Tsk kung lalaitin mo lang ako wag mo akong harangan at baka masipa kita at bumalik ka sa sinapupunan ng nanay mo" "Oh easy kalang mas lalo kang pumapangit niyan,by the way anong pangalan mo". Ang lakas ng apog ng lalaking ito at nagawa pa niyang tanungin ang pangalan ko. "Tanong mo sa pagong at sino kaba para sabihin ko sayo" "Ako tinatanong mo ako si Patrick pero pwede mo akong tawaging Pat" "I don't care diko tinatanong pangalan mo diyan ka na nga panira ka ng mood,wag ka nang mag pakita saakin okay,at wag kang gagawa ng masama kay Chie malilintikan ka saakin" Ningitian niya lang ako at nilagpasan ko na siya.Hay napaka malas talaga ng araw na ito,una nalate ako pangalawa hindi ko mahanap yung room ko at pangato may bwisit pa akong nadaan ,hay buhay. Umuwi na ako sa condo na wala sa mood dahil sa mokong na mukhang gangster na yun. Nakarating na ako sa bahay pag karating ko ay nagpalit na ako ng damit at nilabhan ko na habang maaga pa tiyaka ako nag luto ng kanin at ulam ko,as usual kamatis at itlog ang ulam ko nanaman ngayong gabi. Pag tapos ko nagawa lahat ng dapat kong gawain ay nilabas ko na ang notebook ko at ginawa ang part ko sa lesson namin .Nag practice narin ako pano i discuss ang part ko ,yung part ko pala ay introduction kaya kailangan ay maganda ang una ng reporting namin dapat sa intro palang ay kabog na.Pag tapos kung gawin ang lesson ko ay tinawagan ko sila inay at itay. Tanong ulit sila ng tanong kung anong nangyari sa akin , ngayon at sinabi ko rin ang totoong ng yari at yun nga binungagaan ako ng inay ko dahil bakit daw ganun ang nangyari sa first day of school ko baka maapektuhan daw ang scholarship ko,sinabi ko naman sa kanila na hindi yun mang yayari at simula bukas ay maaga na akong gigising. Hindi ko na binanggit sa kanila tungkol sa tatlong babae na sinubukang laitin ako , at sinabi ko nalang na may mga kaibigan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD