Halos matumba ako nang tumakbo ako nang mabilis paalis sa lugar na iyun. “Saan ka pupunta!” sigaw ni Stacy sa’kin. I didn’t mind her question. Instead, I shouted back. “Look for Victorina! She’s not in proper state!” “Okay! Mag-iingat ka!” sigaw niya pabalik. Hindi ko na sila sinulyapan pa at agad pumunta sa driver ng grab car. Tinapik ko ang balikat ni manong nang makita kong humihilik pa siya galing sa pagkakatulog. “Gising, manong! Kailangan na nating umalis!” sigaw ko sa kanya matapos mag-seat belt. “Huh? Akala ko ba – “ “Ngayon na! Bilis!” sigaw ko sa kanya at hindi na siya nagsalita pa. Iminuwestra niya ang kanyang sasakyan palabas ng lugar. “Bilis!” sabi ko sa kanyang gilid habang nagmamaneho siya. “Eto na! Eto na!” natataranta niyang sabi sa’kin. “Oh my God! May truck!”

