“Tagal mong umuwi kagabi, ah?” komento sa’kin ni Stacy sa umaga. Pinilit kong maglakad nang maayos pero hindi ko kaya. Paika-ika akong naglakad sa harapan ni Stacy at narinig ko ang inosente niyang pagtawa. “Hmm, di bale na. Huwag mo nang sagutin. Mukhang alam ko na,” nakangisi niyang sabi sa’kin at binato ko naman siya ng unan upang tumigil na sa pang-aasar. Matamis ang ngiting iginawad sa’kin ni Stacy pero nakita ko ang bahid nitong lungkot. “Alexandra, anong status ng relasyon niyo ni Sir?” tanong niya. “Bakit mo natanong?” nanliit na mata kong sabi. Napangiwi siya. “Hindi naman sa nangingialam, pero nakita ko iyung trato ni Sir Nixon sa’yo nakaraang araw sa sala. Ganoon ba talaga siya sa umaga? Tas sa gabi, halimaw naman sa kama?” Damn it. Napansin din niya iyun? “Ewan. Hindi

