Kabanata 1
"May sunog sa Science Lab! Sunog! Sunog!"
Nataunahan ako ng marinig ko iyon kaya pareho kaming napalingon ni Jewel sa labas at nakitang may sumisigaw na ngang estudyante at tinuturo na itong Laboratory na nasusunog. Inilibot ko na ang mga mata ko at nakita ang mga Lab gowns na nasusunog na at nadamay na ang ilang libro na nandito sa Lab kaya kumakalat na ng husto ang apoy.
"Anong gagawin natin, Michelle?" She asked me. Umiling nalang ako sakaniya atsaka lumapit sa may pintuan. Binubuksan ko iyon ngunit ko iyon mabuksan.
"Anong nangyayari?" Tanong niya sabay lapit saakin atsaka tinulungan ako sa pagbukas ng pintuan.
"Ayaw bumukas! Tulong! May tao dito sa loob! Tulungan niyo kami!" Sigaw niya ng di na namin talaga mabuksan ang pinto. Nilingon ko muli ang apoy at unti unti ng lumalakas at kumakalat ang apoy. Hindi kami pupwedeng tumagal rito dahil maraming explosive chemicals ang nandirito sa Lab!
"Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ko na din kasabay ng pagkalampag ng pintuan. Lumipat ako sa bintana para makahingi ng tulong at marami ng estudyante ang naroon at nagsisigawan at nagtatakbuhan!
"Tulungan niyo kami!" Sigaw ko.
" *cough* *cough* " Naririnig kong umuubo na si Jewel dahil sa usok. Hikain siya kaya ganito. Nagsisisgaw ako sa bintana hanggang sa may pumansin saakin at humingi naman ng tulong ang nasabihan ko. Lumapit ako kay Jewel pagkatapos ko humingi ng tulong at nakaupo na siya sa sahig habang takip takip ang bibig niya at nakahawak sa dibdib niya.
Habang tumatagal ang sandali ay lumalakas na ang apoy. Halos kalahati na ng Lab ay natutupok na ng apoy. Nahuhulog na rin ang ilang kahoy sa itaas.
"Jewel, sandali nalang. Parating na yung rescue team. Konting tiis nalang." Histerikal kong sabi sakaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit sa sobrang hirap niyabg huminga.
Naluluha na rin ang mga mata ko dahil usok at aaminin kong nahihirapan na akong huminga ng maayos. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari dahil baka mahuli kaming iligtas ng mga rescue team or ng bumbero.
Nagsisisi tuloy akong nagpahuli kami ni Jewel dito sa Lab. Kasalanan ko ito dahil sa kagustuhan ko siyang makausap at komprontahin, naiwan kami rito. Napakasama ko. Di sana ito mangyayari kung di ko sinunod ang gusto ko.
"I'm sorry, Jewel. Hindi ko sinasadya. Di ka dapat nandito e! Sorry." Sabi ko sakaniya habang hawak ang mga kamay niya at siya naman ay naghahabol ng hininga. Gayun din ako dahil napakahirap na talagang huminga sa mga sandaling ito. Masakit sa baga, sa ilong pati na rin sa mata.
"Mi..michelle.."tawag niya sa pangalan ko na puno ng paghihirap.
"Jewel, Tumayo ka. Kailangan nating lumapit sa kabilang pinto ng lab." Sabi ko sakaniya ng makita kong sinisira na ang kabilang pinto ng lab.
Tumayo naman siya atsaka kami lumakad papunta doon. Pero dahil nga nahihirapan na kaming makakita ay bumagal ang kilos namin. Biglang umubo ng sunod sunod si Jewel atsaka ito napaluhod sa sahig hababg hawak ang dibdib niya. Inalalayan ko siya hanggang sa makatayo siya ulit dahil kaunting lakad nalamang ay pintuan na ng Lab.
"Konti nalang." Bulong ko.
Ilang hakbang pa ay mararating na ang kabilang pinto ng biglang may tumamang kahoy sa may likod namin at pareho kaming natamaan non. Mabuti nalamang at yakap yakap ko sa mga balikat si Jewel kaya ako lang ang natamaan ng may bagang kahoy.
Mainit ang kahoy na tumama saaming nakadagan. Napasigaw kami at pareho na kaming umiiyak dahil sa nagaganap.
"Mich...di na ko...makahinga." bulong niya saakin.
"Im sorry, Jewel. Sorry " hagulgol ko ng iyak. Patuloy ako sa pag-iyak hanggang sa mawalan ng malay si Jewel.
"Jewel!" Sigaw ko.
"MICHELLE!" Rinig kong sigaw saakin ni Min. Napabalikwas ako ng upo dahil doon. Huminga ako dahil para akong nauubusan ng hininga sa napaginipan ko.
Napanaginipan ko nanaman siya.
Ang insidenteng gustong gusto ko ng kalimutan, napanaginipan ko nanaman.
"Okay ka lang ba, Mich?" Tanong saakin ni Min. Tumango nalang ako kahit po nanaman ang luha sa mga mata ko.
Sa tuwing napapanagipan ko yon, wala akong magawa kundi ang iyakan yon. Even in my dreams, its hunting me. Yung isang kasalanan na nagawa ko, patuloy parin akong binabalikan. Patuloy akong sinisisi kahit hindi ko sinasadya. Kahit na hindi ko alam ang mangyayari nung panahon na yon.
"Napanaginipan mo nanaman ba siya?" Tanong ni Min. Tumingin lang ako sakaniya na parang nasa mata ko na ang mga sagot. Nagiinit ang gilid ng mga mata ko dahil sa tanong niya.
Min knows everything. Siya ang nasasabihan ko tuwing nananaginip ako ng tungkol sa nangyari noon. Tumango muli ako sakaniya sabay yuko dahil nagsituluan nanaman ang mga luha ko.
Hanggang kelan ba ko sisisihin sa nagawa ko? Hanggang kelan ba? Nagmahal lang naman ako kaya ko iyon nagawa. Kung may mali man doon, hindi ko sinasadya. Kung alam ko lang na mangyayari yon, hindi ko na sana sinunod ang gusto ko. Hindi na sana para ayos ang lahat ngayon.
Hirap na hirap na akong itago ang sakit sa tuwing mapapaniginipan ko si Jewel na napahamak ng dahil saakin. Sa tuwing may taong sisisihin ako sa nangyari. Masakit. Sobrang sakit. Wala akong ibang magawa kundi umiyak sa tuwing maaalala ang buong pangyayari noon.
"Shh, okay lang yan, Mich. Kaya nga kita isinama rito sa Bicol para magrelax at makalimot ka sa nangyari e. Hush now, Mich. Malapit na tayo." Sabi ni Min. Huminga naman ako ng malalim bago tumango sakaniya at pinunasan ang luha ko.
Pinaandar niyang muli ang kotse niya. Di ko napansin na huminto pala kami. Napatingin nalamang ako sa mga punong nadadaanan namin at tahimik lang din naman si Min na nagmamaneho. Papunta kami sa Beach Resort ni Adam dahil bukas ay kaarawan na niya.
Makikita ko nanaman siya.
Matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita simula din nung nangyari yung sunog sa school laboratory e. Simula kasi ng mangyari iyon ay umuwi siya dito sa Bicol para asikasuhin ang resort nila na pagmamay-ari ng pamilya niya. Buti nga at nag-aya si Kuya Jeremy para isurprise si Adam sa birthday nito.
Ako naman ay dinala ni Daddy at Mommy sa states para makarecover sa nangyari. Ayaw nila akong iuwi sa Pilipinas. Ilang taon akong nandoon, nagpapagamot. Kaya naman ngayon na walong taon na ang lumipas ay sinabi kong uuwi na ko sa Pilipinas dahil okay na ko kahit hindi pa. Kahit na napapaniginipan ko parin ay di ko sinasabi kela Daddy para lang payagan nila akong umuwi sa Pilipinas at dito mag-aral para sa darating na June.
Ilang oras pa ang lumipas ay nakita ko na ang malaking arko ng resort nila Adam.
‘Salvatore Isle’
Ang laki pala talaga nito. Nang pumasok kami ni Min doon ay maski ang mga puno at bulaklak ay nakaayos. Pangmayaman talaga ang resort na ito. Ipinarada ni Min ang kotse niya sa hotel parking atsaka naman namin kinuha ang mga gamit namin sa compartment kotse niya.
"Okay ka lang ba, Mich?" Tankng saakin ni Min habang kinukuha ang mga gamit namin.
"Okay lang ako, Min." Sagot ko sakaniya. Tumango naman siya at ngumiti. Ginantihan ko rin naman siya ng ngiti.
Nang makuha ko na ang gamit ko ay sumunod na ako kay Min papasok sa hotel. Ang ganda. Luxury Hotel na yata ito. Napakaganda kaya di na ko magtataka kung mahal din ang isnag gabi rito.
"Room 162 ako tapos Room 164 daw ikaw. Katabi ng kwarto nila Jeremy atsaka nila Janine."
"Tara na. " aya ko naman sakaniya atsaka kami sumakay ng elevator at dumiretso sa kwarto namin.
Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ko ay sumenyas ako kay Min na papasok na ako dahil gusto ko ng magpahinga dahil halos isang buong araw kaming bumiyahe. Tatawagin nalng daw niya ako kapag hapunan na kaya tumango ako atsaka pumasok na.
Pagkakita ko doon sa higaan ay humiga ako kaagad ngunit sayad ang mga paa ko sa sahig at biglang napahawak sa mukha dahil sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa harapan ni Min.
"Mapapagod ka din kakaiyak, Michelle..." ani ko sa sarili ko atsaka naman umiyak ng uniyak hanggang sa dalawin ako ng antok.
*