Kabanata 5

3046 Words
Sobrang dami namin napag-kwentuhan ni Tristan. Aaminin ko, hindi ako na-bored habang kausap siya dahil madami siyang I tinatanong tungkol sakin at Ganon din naman ako sakanya. Sguro ay ganito talaga kapag bagong mag kakilala palang. Hindi ko man siya masyadong na tatanong tungkol sa buhay niya ay parang nagkakaroon na ako ng mga hints kung anong klaseng tao ba siya. Pinatay na namin ang kalan dahil luto naman na ang hauling order namin ng baby dahil busog na rin kami sa kakain habang nagkukwentuhan. "Grabe nabusog ako ng sobra." aniya atsaka humawak sa tiyan na parang minomonstra ang bigay ng kaniyang tiyan. Napatawa naman ako sa inakto niya. "Mukha nga, Doc. Pang dalawang araw yata Yung kinain mo e" tukso ko sabay tawa sakanya. Gayun din naman siya atsaka uminom ng soju na nasa harapan namin. "Ngayon nalang ako kumain ng ganito karami. Usually kasi kaunti lang ako kumain." pagkukwento niya. Napakunot naman ang noo ko sakaniyang sinabi kaya di ko naiwasang tanungin siya. "bakit naman ngayon lang?" bakas sa mukha ko ang pagiging curious sa sinabi niya. Bahagya siyang ngumiti at niyakap ang kaniyang tuhod atsaka tumingin sa mata ko na parang sinasabing seryoso siya sa mga sasabihin niya. "Hindi kasi ako kumakain ng madami kapag wala akong kasama sa hapag." pagsisimulang kwento niya. Hindi na ako sumagot pa dahil halata naman siguro sa itsura ko na naghihintay pa ako ng kasunod sa mga sasabihin niya. " Simula nung bata kasi ako, wala ako nakakasama kumain kasi yung mom and dad ko busy lagi sa hospital since they are both doctors too kaya I have no choice but to take their steps too." bakas ang lungkot sa huli niyang mga sinabi at sinamahan iyon ng isang bunting hininga. " Pwede ko ba itanong kung ano talaga gusto mong gawin sa buhay kung sakaling may choice ka? " seryoso kong tanong sakanya habang nakatingin din sa mga mata niya. Inalis niya ang titig sa mga mata ko at biglang tumingala sa langit Kaya wala ako na gawa kung hindi tumingin din sa kung saan siya nakatingin at doon ko napansin ang ganda ng langit ngayong gabi. Punong puno ng kumikinang na bituin kaya hindi ko maiwasan na mapamangha. Ngayon ko nalang kasi naappreciate ng ganito ang langit. "Gusto ko maging piloto." Sabi niya. Na patingin naman ako sakanya ng unit ang mata niya ay nakatingin parin sa langit. May kung anong kumurot sa puso ko nang makita ko siyang malungkot. Kaki kilala ko palang naman siya pero bakit parang ang tagal ko na siyang kilala dahil nahahawa ako sa lungkot niya. "Naging imposible lang naman yon simula nung nambabae ang daddy ko." Sabi niya. Mas Lalo naman akong nalungkot sa sagot niyang iyon. Unti-unting lumingon ang ulo niya sa Akin Kaya nagkatinginan nanaman ang mga mata namin. "Maswerte parin pala ako." sabi ko sakanya. "Maswerte parin ako kasi nakuha ko parin yung kursong gusto ko, buo parin ang pamilya ko." Sabi ko sakanya at ngumiti sakanya. Ngumiti naman siya pabalik sakin at areho kami napatitig sa dagat na may malakas na alon Kaya ang sarap sa tenga at mata. Maswerte parin ako kasi kahit tinutulan ng daddy ko ang pagiging arkitekto ko, nagawa ko siya ipaglaban. Kahit ilang beses sinabi ng dad ko na hindi para saakin ang kursong kinuha ko, pinagpatuloy ko. -- "I will never support your course, Michellaine." halata na nanggigigil na ang Daddy ko sakin. Nandito ako sa opisina niya para magpapirma sakanya ng ilang documents para Mai-admit ang pangalan ko sa University na papasukan ko for this school year pero ayaw niya ito pirmahan. " Dad, please naman. Gusto ko po ito g kurso na 'to." pagpupumilit kom lumapit ako sakanya atsaka hinawakan ang braso niya ngunit tinabig niya iyon at humarap sa full glass window ng opisina niya. "Kumuha ka ng kursong related sa pamilya natin. Sundan mo ang yapak ko o ng mommy mo pero huwag na huwag kang kukuha ng kursong alam naman nating lahat ay walang kakuwenta-kwenta!" alam ko na sa oras na ito ay wala nang pasensya si Daddy saakin. Senior high palang ako ay sinasabi ko na Kay daddy na Architecture ang gusto ko pero palagi niya sinasabi saakin na Sundan ko ang yapak ni Mommy biglang doktor o Kaya ay tulad niyang Businessman. Kahit Alin sa dalawang gusto no Dad, wala akong hilig. Kahit kailan ay hindi ko nagawang isipin ang sarili ko sa mga propesyong iyon. "Dad, hindi pa ba sapat na nag BSBA si Kuya? S-si Jewel, Dad mag me-Medical Technology siya Dad! Baka pwedeng kunin ko naman ang gusto ko." Sabi ko. Nauutal ako sa mga sinasabi ko dahil naiiyak na ako. Lalo kapag naaalala ko na hanggang bukas nalang ang enrollment ko. "Dad, sana this time pakinggan mo naman ako." Sabi ko sakanya sa mahinang tono dahil nakakapagod na mag explain sakanya. Sobrang dami ko iniisip sa panahon na ito ng buhay ko. Hindi ko alam bakit ba ako nagpapatuloy pang abutin ang mga pangarap ko ngayong guhong guho na ang buhay ko. My Mom is in state of comatose. Hindi ko siya nakakausap tulad ng dati. Si Kuya naman busy sa company kasama si Daddy. Si Jewel, nasa Paris nagbabakasyon pa dahil sa susunod na buwan pa ang pasukan niya sa University of Canada. Oo, sa Canada sya pinag aral ni dad dahil maganda daw doon mag aral ang mga nag nanais Mag doctor. Kahit kailan hindi nag a Ala ang daddy ko na hanapan ako ng magandang school kahit dito sa Pilipinas. He always keep his eyes on Kuya and Jewel. Pano naman ako? "What did you just say?" pinapaulit niya. Natakot ako sa tono ng bosses NI Daddy Kaya napaurong ako ngunit humakbang naman siya palapit saakin. "I'm sorry, dad. I did not mean to offend you..." Sabi ko pero pinutol niya ako agad ng sigaw niya. "Pakinggan?" umaalingaw ngaw na sigaw ni dad na sobrang kinagulat ko. Malamang ay rinig iyon sa labas ng opisina niya. Nakakatakot ang awra ng Daddy ko ngayon. "Dad..." "That is your consequence for all the hardships you brought to this family! To all the shames, Michellaine!" sigaw niya habang dinuduro ako sa mga salitang binibigkas niya. Wala akong magawa kung hindi ang magpadala sa mga duro niya dahil sanay na sanay na ako makarinig sakanya ng masasakit na Salita. Palagi niya ako sinisisi. Simula pagkabata ko, ganito na si Daddy saakin. Pero kahit sanay na ako makarinig ng masasakit na Salita sakanya, hindi parin masanay sanay ang puso ko sa sakit Kaya naiiyak nalang ako. "Simula nang dumating ka sa buhay ko, naging miserable kaming lahat! Walang ibang dapat sisihin kung hindi ikaw! Ang mommy mo nahihirapan dahil sa katangahan mo! At muntikan mo pa patayin ang kapatid mo sa sobrang makasarili mo! Anong klase kang anak at kapatid, ha!? " bulyaw niya. Bawat Salita ng Daddy ko ay parang kutsilyong unti uniting humihiwa sa dibdib ko. Umiling ako ng ilang beses para sabihin Kay Dad na hindi totoo lahat ng sinasabi niya. Sinubukan ko hawakan ang mga kamay niya at tinabig nanaman niya iyon. "Dad, please huwag mo sabihin sakin 'yan." umiiyak kong pagsusumamo sakanya. Sa tuwing naalala ko ang mga kapalpakan ko, bigla nalang ako nawawala sa sarili ko Kaya ayoko na naririnig iyon dahil wala akong kontrol. Siguro ay dahil na rin sa trauma. "Kaya wala kang karapatan na humingi ng taong makikinig sayo dahil kahit kailan ay hindi mo iyon deserve sa lahat ng ginawa mong pagpapahirap saamin!" nahihirapan na si daddy sa pagsasalita dahil umiiyak siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dahil siguro ay Punong puno na siya saakin Lalo sa nangyari saamin ni Jewel sa loob ng Laboratory nung nakaraan mga linggo. " Kaya kung gusto mong sundin ang mga gusto mo, sundin mo basta huwag na huwag kang hihingi ng kahit na ano saakin para suportahan ka sa gusto mo dahil kahit kailan, hinding hindi ko susuportahan ang taong sumira sa pamilya ko." Sabi ni Daddy na Punong puno ng pagbabanta saakin. Natakot ang buong pagkatao ko pero nangibabaw ang lungkot ko sa mga huli niyang sinabi Para sa daddy ko, sinira ko ang pamilya niya. Hindi na kailanman naisip na kasali ako sa pamilyang iyon. Durog na Durog ako pagkatapos ko marinig ang mga iyon. Lumabas ng opisina si Dad at naiwan ako doon. Nanghina bigla ang mga tuhod ko Kaya napaupo ako sa sahig. Natulala nalang ako pero pa tuloy na lumuluha ang mga mata ko. Nakita ko ang mga application papers ko at lukot na ang mga iyon kaya mas lalo akong napaiyak dahil alam ko sa sarili ko na iyon na ang katapusan ng mga pangarap ko. Buong buhay ko, sinunod ko ang gusto ng daddy ko. Never ko sinabi sakanya na naiinggit ako sa pakikitungo niya Kay Kuya at Jewel. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ayaw saakin ni dad. - Naalala ko nanaman ang pangyayaring iyon. Iyon ang huling pagkikita namin ng Daddy ko at kahit na nandito na ako ngayon sa Pilipinas ay hindi ko parin nagawang mag pakita sakaniya dahil alam ko sa sarili ko na natatakot parin ako na harapin siya matapos kong sundin ang gusto ko. Kahit na alam ko na hindi naman siya matutuwa na makita ako, gusto ko parin makita si Dad at sabihin sakaniya na namimiss ko siya lalo ang mommy ko na hanggang ngayon ay bedridden parin at hindi kumikibo. Siguro ay ayos naman ang lagay ng mommy ko ngayon dahil hindi siya papabayaan ng daddy ko na walang mag aalaga sakaniya Kaya kahit papano ay kampante parin ako. Siguro pag umuwi ako ng probinsya ay dadalawin ko ang Mommy ko agad. I miss everything about her. Siya lang ang naging kakampi ko sa lahat ng oras pero simula nang ma-comatose siya ay wala nang nagcocomfort saakin. "Mahihiga na ako, Mich, ha. Medyo nahilo ako sa ininom natin." Sabi ni Tristan at tumango naman ako sakaniya. Pinagmasdan ko siyang nahiga sa loob ng tent atsaka ko napagtanto na lasing na nga siya dahil namumula na ang mukha niya. BIGLA namang tumunog ang cellphone ko at isang unknown number ang nandoon sa screen ng phone ko. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung sino ang nagmamay ari ng number na iyon. Ilang saglit pa ay nag-ring muli ang cellphone ko Kaya sinagot ko na iyon. Hinintay ko magsalita ang nasa kabilang linya. Ilang segundo na ay wala paring nagsasalita Kaya napagdeisyunan ko na tapusin ang tawag ngunit bigla ito nagsalita. "Mich?" Biglang parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko nang marinig ko ang bodes niya. Hindi ko akalaing maririnig ko ngayon ang boses niya. "Adam?" pagsisigurado ko. Narinig ko ang pagngisi niya. Siguro ay lasing na ito Kaya napatawag siya saakin nanaman. Pero paano niya nalaman ang number ko? "Alam mo namang ako 'to pero nag tatanong ka parin." may kung ano ang gumuhit na sakit sa puso ko dahil ganitong ganito ang mga sinasabi niya noon saakin. Napalunok nalang ako sa naiisip ko at nagintay na magsalita siyang muli. "Mich... Miss na kita." Sabi niya. Biglang kumabog ang puso ko. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay lala as na ito sa dibdib ko. Narinig ko nanaman ang sexy niyang pag tawa na nagkukumpirma na lasing nga siya. Wala naman ako magsabi dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "Salita ka naman oh." pilit niya saakin. Gustong lumundag ng puso ko sa saya kasi kinakausap na niya ako ulit pero alam kong hindi ito totoo dahil lasing siya at sinabi niya na saakin kanina na ayaw na niya ako makita. Mas nasa katinuan sya nung sinabi niya na ayaw na niya ako makita pa. "Adam, lasing ka lang. Umuwi ka na, nandiyan ba si Kuya---" bigla niya ako pinutol sa gitna ng pagsasalita ko. "puntahan mo naman ako oh." Sabi niya na nakapagpatigil saakin. Nagulat ako sa mga sinasabi niya. Totoo ba na pinapapunta niya ako sakanya? "Nandito ako sa labas ng bar. Please puntahan mo ko, Mich." Sabi niya at Mas lumalim na ang boses niya. Doon natapos ang tawag at hindi ko alam kung susunod ba ako sakaniya o mananatili nalang dito sa pwesto ko habang nanunuod ng mga along naghahampasan. Sa sobrang curious ko sa kung bakit ako gusto ni Adam papuntahin sakaniya ay sumunod ako sakaniya. Bawat hakbang na ginagawa ko ay pataas ng pataas ang kaba ko. Hindi ko alam kung susumbatan ba niya ako pag dating doon o yayakapin o baka saktan. Hindi ko alam pero kahit na walang kasiguraduhan, ayos lang dahil patungo naman ako sakaniya. Malapit na ako sa bench na sinasabi niya at malayo pa lamang ay natatanaw ko na ang lalaking matagal kong inaasam na makita ng malapitan. Nang malapit na ako sakaniya ay lumingon siya sa gawi ko. Nag tama ang mga mata namin na mas nagpadagdag ng kaba sa puso ko. Pinamulsa niya ang mga kamay niya sa board shorts niya at humarap Lalo saakin. Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Hindi ito bangko pero sa dami nang nandoon ay hindi ko na malaman kung masaya ba siya o galit. "Hi." nahihiya kong bati sakaniya. Ilang saglit pa ng katahimikan at nagsalita na siya. "may gusto lang sana ako sabihin." naging seryoso ang boses niya na nagpa wala sa masayang senaryo sa utak ko. "Ano yon?" tanong ko kaagad. Ang bilis ko Itanong kahit na alam ko naman na hindi iyon magandang balita. "pwede bang..." Tumigil siya saglit na mas nagpakaba sa puso ko. "pwede bang kalimutan nalang natin ang nakaraan?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano ba ang ibig niya sabihin sa mga sinabi niyang iyon. Hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko para itanong iyon sakaniya. Ang alam ko lang ay naguguluhan ako sa sinasabi niya. " Kalimutan na nating naging mag-kaibigan tayo at maging casual nalang ngayon sa isa't isa." pormal na sabi niya. Sa mga sandaling iyon ay parang tumigil ako sa paghinga at ang tingin ko ay pag nagpa-tuloy umikot ang mundo ko ay unti unti iyon masisira. "teka, Adam. Bakit?" naguguluhan ko paring tanong. Ngumisi siya na parang naiirita. "Mich naman. Alam kong alam mo naman kung bakit." Sabi niya habang ako ay naguguluhan parin. "akala mo ba mapapatawad pa kita sa mga ginawa mo noon?" Doon sa mga sinabi niya, alam ko nabuwag nanaman ang sarili ko na matagal kong binuo. Namuo ang luha sa mga mata ko. Basta tungkol sa nakaraan, hindi ko maiwasan masaktan at umiyak dahil alam ko sa sarili kong guilty parin ako. Sinadya ko man ang nangyari noon o hindi. "Adam, please." iyon lamang ang mga nasabi ko sakaniya. Tumawa sya muli at Mas lumapit saakin. "Walang kapatawaran sa ginawa mo, Michelle Kaya nga nagtataka ako kung bakit bumalik ka pa rito." sagot niya. Mas nagtuluan ang mga luha ko sa mga sinabi niya saakin. Nakatingin kami s a ata ng isa't isa kaya kita ng kita niya kung paano magsitulo isa isa ang mga luha ko. Pinunasan niya iyon gamit ang daliri niya na parang pinaglalaruan niya ang damdamin ko. Wala akong magawa kung hindi ang tumayo lamang. Para akong na-estatwa sa mga narinig ko. "Kaya pakiusap, huwag mo na ako guluhin pa, Michelle." may Kuma walang luha sa mga mata niya na sa tingin ko ay dahil sa frustration saakin. "Gusto ko lang naman ayusin ang nakaraan, Adam." Sabi ko sa isipan ko. Hindi ko magawang magsalita. Naamoy ko ang alak sakaniya Kaya alam kong lasing lang siya. "hayaan mo na kaming maging masaya nang wala ka." sambit niya atsaka naman siya biglang bumuwal sa mga balikat ko. Na hawakan ko agad sya sa mga braso Kaya hindi sya natumba sa buhangin. Hindi ko maramdaman ang bigat ni Adam dahil alam kong mas mabigat parin ang mga salitang binitawan niya. Inuwi ko siya sa kwarto niya at buti na lamang ay nandoon ang empleyado ni Adam Kaya may nakatulong ako sa pag asikaso sakaniya. Matapos Mahihiga si Adam sa kama at iniwan na kami ng empleyado niya. Kumuha lang ako ng bimbo at tubig atsaka ko iyon dinampi dampi sa mukha ni Adam. Mas gumwapo siya habang nag tagal ang panahon pero ang mata niya ganoon parin. Habang pinupunasan siya ay hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya. Wala ako naisip habang tinititigan siya. Ang alam ko lamang ay kaharap ko siya. "Sorry, Adam." bulong ko sakaniya. Namuo nanaman ang luha sa mata ko pero pingilan ko iyon tumulo dahil ayoko na umiyak dahil baka magising ko siya. "Siguro ang tagal mo dinala ng mga sinabi mo sakin kaya ganoon kasakit." pagkukwento ko. Ngayon ko lang nagsasabi yung mga gusto ko sabihin sakaniya na hindi ko magawa kanina. Ngayon lang ako may lakas ng loob. Hinipo ko ang noo niya atsaka pinadaan ang mga daliri ko sa buhok niya. Miss na miss ko siya pero hindi ko masabi sakaniya yon ng harapan. "Kung alam mo lang ang totoo, Adam. Kung alam mo lang." bulong ko atsaka ako tumayo para iwan na siyang natutulog sa kwarto. Pagkalabas roon ay hindi ko na napigilan ang paghikbi ko dahil sobrang sakit. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito dadalhin. Umuwi ako ng Pilipinas nang walang planadong mangyayari kaya heto ako at hinahayaan nalang na masaktan ang sarili. Deserve ko to Kaya dapat pagdusahan ko. Kung dati ay nagawa kong takasan ang lahat, this time ay dapat kaharapin ko na ang lahat ng dapat kong kinaharap noon pa man. Simula palang ito at marami pang mangyayari Kaya dapat handa ako sa anumang mangyayari. Naglakad ako pauwi sa hotel na tinutuluyan namin. Hindi ko na namalayan na nasa harap na ako ng kwarto ko sa sobrang lutang ng pag iisip ko. Wala akong ibang naiisip kung hindi ang mga sinabi ni Adam saakin kanina. Nagtatalo ang isip ko kung maniniwala ba ako o babalewalain iyon at ituloy ang gusto kong mangyari. Sa pagod ko ay nahiga na ako agad kahit na nakapag-alis parin ako na damit. Hindi pagod ang katawan ko pero ramdam na ramdam ko ang pagod ng isip at puso ko. Pagpikit ng mata ko ay hindi na ko nahirapan pa matulog dahil inantok na rin ako. *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD