Flashback... Nagising ako ng maaga dahil balak kong pumasok agad para makahirap ng libro sa library dahil yung hihiramin kong libro ay maraming gagamit kaya mas okay sana kung mauuna akong humiram non. Pwede ko naman iyon hanapin nalang sa bookstore malapit sa school pero nasasayangan ako sa pera kong hinihingi kay Dad. Kaya mas pinipili ko palagi ang mag-tipid. Inayos ko na kaagad ang higaan ko atsaka dumiretsop sa banyo para makaligo. Ilang minuto lang ay natapos na rin akong maligo kaya naman nagbihis na ako ng uniform ko. Wash day namin ngayon sa scool kaya naman nag denim na pants nalang ako atsaka ako nag tshirt ng org ng photography na sinalihan ko. Iyon lang atsaka ako nag doll shoes. Sinuklay ko lang ang buhok at natapos ko iyon ng 6:30 am palang. 9am pa ang pasok ko kaya naman

