Kanina ko pa tinitgnan ang binigay na papel saakin ni Adam na papel kung saan nakasulat ang number niya. Pinag-iisipan ko pa kasi kung ibibigay ko nga ba iyon kay Jewel or hindi. Panigurado kasi na hinmdi naman iyon papansinin ni Jewel dahil nga hindi naman siya malanding babae na papatol sa iba habang may boyfriend siya. Which is one of here good traits, kahti papaano. Tumayo ako atsaka naglakad lakad sa loob ng kwarto ko. Pabalik-balik ako na akala mo naman ay nakakatulong itogn ginagawa ko. Maski ang mannerism ko ay ginagawa ko na dahil hindi ako makapag-isip ng matino, ang pagkagat sa kuko ko. Ugh! Na-sstress ako at naiinis ako kay Adam at the same time. Bakit ba naman kasi ako pumayag sa ganitong set-up. Kinuha ko ang papel at ang cellphone ko at naisip ko na ako nalang muna ang mag

