“Did you sleep well babe?’’ isang nakapatamis na ngiti habang nakatunghay sa akin ang nabungaran ko kay Miguel kinabukasan. Akmang magtatago ako sa ilalim ng kumot dahil nahihiya akong makita niya ang dumi ko sa mukha at magulo kong buhok. “Don’t” pigil niya sa gusto kong mangyari. “You look so perfect and I can stare your beautiful face forever,’’ he said while caressing my cheeks. “Good morning babe,’’ maikling pagbati lang ang ginawa ko dahil baka maamoy niya ang mabahong hininga ko sa umaga. “Good afternoon babe. It’s two o’clock in the afternoon na babe. Hindi lang kita ginising dahil alam kong napagod kita kagabi,’’hindi ko na pinansin ang mapanuksong boses niya dahil gulat akong napatingin sa clock ng cellphone ko at nang makompirma ko ay dali-dali akong bumangon.

